Ika-11 Kabanata

38.2K 636 52
                                    


Nagising ako dahil kay Daniel na binubungangaan si Dorina.

"Babaita bilisan mo sasabog na pantog ko! Tagal-tagal mo dyan. Ano yan nagsasarili?" Litanya niya habang panay ang katok niya sa pinto ng bathroom.

"Ang ingay mo bakla!" Saway ko naman sa kanya habang nag-uunat at humihikab. "Ang sakit ng ulo ko!" sabay hilot ko sa aking sintido.

"That's your fault for drinking too much hard liquior. Gumawa ka pa ng eksena." Sabay irap niya sa akin at nag litanya na naman kay Dorina. "Dorina, ano ba? Tagal mo naman labasan!"

Hindi ko alam kung matatawa ako sa pinagsasasabi nitong si Daniel.
Ang init-init ng ulo ni bakla ngayon. Di naman pwedeng meron siya.

Pero sa nangyari talaga kagabi ako napapaisip. Nalasing nga yata ako ng sobra at hindi ko alam kung bakit nawala ako sa sarili at hinalikan ko si Daren. Shit! Nakita ko pang galit si Aries. Ang sama-sama ko na naman siguro sa paningin niya. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko ba talaga sisimulan ang second chance ko.

Hindi ko naman talaga matandaan yung ibang nangyari kagabi, pero malinaw sa ala-ala ko ang mga nangyari sa pagitan namin ni Daren. Nahihiya ako sa kanya, hindi ko tuloy alam kung ano ang mukhang mahihaharap ko pag nakita ko siya mamaya.

Pagkatapos gumamit ni Dorina ng bathroom ay nagmamadaling pumasok doon si Daniel. Tatawa-tawa naman kami ni Dorina sa kanya.

"Ano masakit ba ulo?" Tanong niya ng maupo siya sa dulo ng kama, habang pinupunasan niya ang kanyang mukha. Agad ko naman tinanguan ang tanong niya.

"You're too drunk last night. Hindi ka dapat nagpapakalasing ng ganon, Aika."

"Sorry. Tinamaan talaga ako doon sa flip cup e."

"Pero uminom ka pa diba? Dapat pag alam mo ng lasing ka na. Awat na, tigil na."

"I'm sorry."

"Aries, look so really mad last night. Hindi kami makapaniwala na mababasag niya yung hawak niyang wine glass sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya doon. Hindi ako sigurado kung bakit ganoon ang inasta niya kagabi. Ang dami kasing dahilan e, ayoko naman mag conclude agad."

Tinapik niya ako sa likod. "Kausapin mo nga pala si kuya. Ipaliwanag mo yung ginawa mo sa kanya kagabi, na nadala ka lang ng alak. Tama naman diba?"

Tumango ako sa kanya.

"Baka kasi kung anong isipin 'non. Alam mo naman ang mga lalaki." at saka siya ngumiti sa akin.

Ilang saglit lang ay lumabas na si Daniel sa bathroom at ako naman ang pumasok doon.

Sabay-sabay kaming bumabang tatlo para mag-almusal. Agad pa ngang bumungad sa amin ang naghaharutang si Harizel at Daren sa living room. Habang sina Axel, Elf at Neil ay tawa ng tawa sa mga ito. Ganoon din si Humpy na pangisi-ngisi lang habang nakahalukipkip. Si Wein naman ay prenteng nakaupo sa single couch at nanonood ng movie. Para itong walang pakealam sa mga kaibigan.

Napapangiti ako habang pinanonood ko si Daren at Harizel. Para silang naglalambingan na ewan. Nakahiga na sa carpet si Harizel habang tawa ito ng tawa at may hawak na kung ano na pilit namang kinukuha sa kanya ni Daren.

"Erase that fvckin' photo!" Tila asar na sabi ni Daren.

Tawa lang ng tawa si Harizel. "Shit dude. Don't rape me." Pang-aasar pa ni Harizel ng hindi yata mamalayan ni Daren na nakapatong na siya dito.

"The fvck with the both of you? I'm watching, doon nga kayo!" Bulyaw naman sa kanila ni Wein, pero hindi natinag ang dalawa at parang mga walang narinig.

"Daren, wag! di tayo talo." Sabi pa ni Harizel habang tumatawa. "Wag dude. Wag! Maawa ka."

"Dammit! Just delete that fvckng photo!"

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon