Ika-24 Kabanata

36.3K 542 22
                                    

"Let's go." Pang-aaya sa akin ni Kyle ng makaalis na ang kotse ni Aries sa paningin ko.

"Hindi na'ko sasakay, Kyle. Salamat nalang ha. May pupuntahan pa pala 'ko."

"Huh?"

Agad akong tumawag ng taxi na hinintuan naman ako agad.

"Salamat ulit, Kyle. Hope to see you again. Bye!" Kumaway ako sa kanya 'tsaka ako nagmamadaling pumasok sa taxi at nagpahatid sa driver papuntang Urdaneta Village.

I need to talk to ate Shana about Shelly.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa tapat ng bahay nila kuya. Pagkabayad ko sa driver ay nagmamadali akong lumabas ng taxi.

"Aika! Nabisita ka?" ani ate Shana kasunod ng salubungin niya ako. Niyakap niya pa'ko.

"M-May nakalimutan lang akong gamit sa kwarto ko ate. Si Hance?"

"Napasarap sa pagtulog"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinimulan ko ng magtanong kay ate Shana.

"A-Ate...Nag-aaral ba ngayon si Shelly?"

Napakunot ang noo ni ate Shana sa tanong ko at saka niya ako nginitian. "Bakit bigla ka yatang naging interested sa kapatid ko?"

"W-Wala lang. May nakita kasi akong kahawig niya kanina habang papunta ako dito, kaya naisip ko siya."

"Oo, nag-aaral siya sa La Union ngayon. Graduating na siya sa kursong Information Technology. Kaya lang alam mo ba, ang sabi ni nanay may kinalolokohan daw si Shelly na lalaki ngayon na taga rito daw sa Maynila."

Nanlaki bigla ang mga mata ko.

"Talaga?"

"Nag-aaway nga sila ni nanay dahil sa lalaking 'yon. Di pa yon nakikita ni nanay, pero madalas daw kausap ni Shelly sa cellphone. Masyadong malihim si Shelly, ayaw niyang ipakilala kay nanay ang lalaki. Okay lang naman kay nanay na mag boyfriend siya. Ang kaso, alam mo minsan napapabayaan na ni Shelly ang pag-aaral niya dahil sa lalaking 'yon." Huminto si ate Shana sa pagkukwento at huminga siya ng malalim.

"At dahil nga napapabayaan ni Shelly ang pag-aaral niya. Tinututulan ni nanay ang relasyon ni Shelly at nung lalaking hindi namin mawari kung syota na'ba niya. Nag-away nga sila ni nanay at nagbanta si Shelly na maglalayas sa amin."

"At naglayas nga siya?"

"Hindi. Hindi niya magagawa 'yon. May pagkarebelde man si Shelly, alam ko hindi niya kayang pag-alalahin si nanay."

Pero hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Si Shelly ang babaeng kasama ni Aries. Kitang-kita iyon ng dalawa kong mata. At malaki ang possibility, na si Aries ang lalaking kinalolokohan niya. Hindi naman na bago yon diba? Noon pa man ay gusto na ni Shelly kay Aries. Pero alam ba ni Aries na nasisira ang pag-aaral ni Shelly dahil sa kanya?

"A-sige, ate Shana. Kunin ko lang yung gamit kong nakalimutan."

"Okay, sige."

Pag-akyat ko sa kwarto ko ay muli na naman akong napaisip. Litong-lito na ako sa dami ng babaeng nasa paligid ni Aries ngayon. Hindi ko na alam kung kanino ba ako dapat magselos. Kung sino ba talaga ang dapat kong katakutan.

Ayoko ng manahimik nalang. Ayokong magsisi ulit sa bandang huli. Sasabihin ko na kay Aries na mahal ko siya, wala ng pasikot-sikot pa. At handa na'kong tanggapin kung may patutunguan pa ba ang nararamdaman ko sa kanya o panahon na talaga, para sumuko ako sa kanya.

Pagbaba ko ng hagdan ay dala ko ang ilang mga pictures namin ni Aries na iniwan ko dito sa bahay. Nakalagay yon sa isang maliit na album at balak kong ilagay ito sa gagawin kong scrapbook na para lang sa aming dalawa. Ibibigay ko yon sa kanya sa oras na magtapat na ako.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon