Ika-4 Kabanata

38.2K 672 90
                                    

Pagkarating ko sa kusina ay dali-dali akong naghalughug ng gatas sa ref. Mabuti nalang talaga at laging may freshmilk dito sa refrigerator nila Aries. Kumuha ako ng isang baso 'non, nakakita rin ako ng caramel cake kaya kumuha ako ng isang slice at dito ko kinain sa kitchen counter.

Habang sumusubo ako ay naaalala ko ang mga eksenang nakita ko sa balcony, kung saan sweet na sweet si Aries at Georgina. The way that Aries wrap his arms on Georgina's waist, pati yung paghilig ni Georgina ng ulo niya sa balikat ni Aries at yung yakapan nila. Ang bigat-bigat talaga sa pakiramdam, parang may kung anong bumabara at pumipigil sa paghinga ko.

"Hey! Why you murdering the miserable cake?"

I snap back into reality at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Aries na naka upo sa harapan ko. When did he came? Ganoon ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko siya napansin?

"Bakit ganyan ka tumingin? Do I look like a monster?"

Umiling ako kasabay ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko. He's here talking to me, but still he's cold.

Naka drop armhole tank top siya na stripe, kitang-kita ang malalaki niyang muscles, halos makita na nga rin ang matipuno niyang dibdib. Napalunok tuloy ako at mabilis na ininom ang natitirang gatas sa baso ko.

Nakatukod ang mga siko ni Aries sa kitchen counter at kunot ang noo na nakatingin sa akin. He was holding a can of Heineken. Napansin ko rin na may bago siyang tattoo sa kabila naman niyang braso. Puso iyon na may halo. Weird. Ano kayang ibig sabihin non?

Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.

"What's your problem with the cake?" Tanong niya pa kasunod ng pagtingin niya sa cake ko. Tinignan ko rin ito at nagulat ako ng makitang durog-durog na'to.

Fvcksh*it! Hindi ko namalayan na tinusok-tusok ko pala ito ng tinidor. But why did I do that? Bakit ba nawawala ako sa sarili ko?

"You haven't changed. You still waking up at 2am just to drink milk." ngumisi siya at nilagok ang Heineken na hawak niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Para kasi siyang nang-aasar.

"Ganoon talaga, may mga taong hindi nagbabago. I love who I am, so why should I have to change? This is me."

Nilagok ulit ni Aries ang inuming hawak niya. "Okay. You go to sleep after that." Ma awtoridad ang pagkakasabi niya 'non at lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng maglakad siya palapit sa akin. Shit! Anong gagawin niya?

Akala ko kung ano ng gagawin niya. Itatapon lang pala niya sa trash can na nasa likod ko ang lata ng beer na iniinom niya.

"Gotta go." at naglakad na siya palayo sa akin.

I miss the old Aries, yung malambing at mahal na mahal ako. I wan't to be love by him again, even if just to be his friend, just like before.

Mag-aalas otso palang ng magising ako. Ang ingay kasi Daniel na nagkukwento kay Hazel, Heaven at Dorina ng napanaginipan niya daw kagabi. Sa labas naman ng kwarto ay naririnig namin ang ingay ng boys.

"Daren pahiram nga ng tuwalya maliligo ako." dinig kong sabi ni Harizel.

"Maliligo ka dude?"

"Ay hindi! Kaya nga nanghihiram ako ng tuwalya diba? Tanong bobo naman ginagawa mo Daren."

Natatawa nalang ako sa kanila.

Saktong alas-otso ng mag-almusal kaming lahat habang nagkukwentuhan.

"Basta, next week ha sa La Union ulit ang vacation destination natin." ani Neil.

"ALRIGHT!" Masayang tugon naman ni Daren, Harizel at Aries.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon