Ika-46 Kabanata

34.3K 526 9
                                    

Pasado alas otso ng magpaalam si eomma na uuwi na.

"Tita, I'll take you home." ani Kyle na namumula ang pisngi.

"Hindi na Kyle. You stay there. Wag kang magmamaneho ha, if you wanna go home just call me at ipasusundo ko kayo kay mang Andres. You look drunk already."

"Tita, I'm not yet drunk." Inakbayan pa ni Kyle si eomma.

"Namumula ka na."

"Tita, that's natural." Sabay tawa ni Kyle.

"Kyle! Let's stay there. Sige na mom, kami ng bahala ni Aika kay Kyle." Sabi naman ni Fretzy. "Tawag ka na nila, Aries. Balik ka na dun." Sabi niya pa kay Kyle na hinila-hila niya pa ang isang kamay.

"Tita, you sure that you don't want me to take you home?"

"Yes, Kyle I'm fine. Just have fun with them."

"Fine." Kasabay ng pagkibit balikat ni Kyle at pagtalikod sa amin para maglakad pabalik sa mesa nila Aries na mukhang mga lasing na talaga. Si Humpy nalang ang mukhang matino sa kanila.

"Ikaw nalang ang mag-text sa'kin Fretzy, don't let your cousin drive. Bantayan niyo yan."

"Yes mom."

"Hatid na kita eomma." Sabi ko naman.

Hinatid ko si eomma hanggang sa gate at ng papasok na ako ay nasalubong ko naman ang mga pinsan ni Aries na pauwi narin. Sabay-sabay din na nagpaalam sina tita Angeline, daddy, mommy at ang parents nila Harizel at Hazel, pati ang parents ni Daren at Dorina.

Habang lumalalim ang gabi ay unti-unting nauubos ang bisita, hanggang sa ang mga HBB, si Kyle, Fretzy, Hazel, Troy, Michael, Axel, Heaven, Daniel, Dorina, ate Mikaela at kuya Wade nalang ang mga natitira.

"Let's have a game!" ani Neil na may mga hawak ng beer pong cups.

"Beer pong game! Ang team na matalo. Mag bo-body shot. Game?"

Naghiyawan sila at tuwang-tuwang nagsisang-ayon kay Neil na agad inayos ang mga cups sa ibabaw ng isang table. Si Harizel naman ang naglagay ng beer sa mga cups.

"Guys, choose your teammates na. Teka, ilan ba tayong lahat?" Binilang kami ni Neil. "Wait, sasali ba lahat?" Tanong niya pa.

"Oo, sasali lahat. Walang KJ!" ani Daren.

Labing siyam kaming lahat at tig siyam lang sana sa bawat member kaso may sosobrang isa, at dahil talagang tinamaan na ng alak si Kyle na kanina pa suka ng suka. Hindi na namin siya pinasali at pinaupo nalang namin siya sa isang tabi.

Ang kulit-kulit niya. Gusto pa sanang sumali, pero dahil pinagalitan na ito ni Fretzy ay nanahimik narin ito. Kung pwede nga lang na ako nalang ang wag sumali, kaso ano namang idadahilan ko? Siguradong kantyaw lang ang matatanggap ko sa kanila at sasabihan pa akong KJ, kaya nakisama narin ako sa laro nila.

Sa first team ay ako, si ate Mikaela, Dorina, Heaven, Daniel, Michael, Hazel, Axel at Fretzy. Sa pangalawang team naman ay ang HBB, si kuya Wade at Troy.

Dahil sa team namin ay maraming babae, kami ang pinauna nila dahil mga gentleman daw sila.

And sad to say, nangulelat kami sa pag-shoot ng ping pong ball sa mga cups nilang may beer, ngayon ko lang naisip na dehado nga talaga kami sa kanila, magagaling kasi silang mag shoot dahil mga basketball player sila. Lalo na si Aries na wala yatang tern na hindi niya naishu-shoot ang ping pong ball sa cup namin. Kaya ang ending, nalasing na nga kami ay mag ba-body shot pa kami sa kanila.

"Eto ang gusto niyo e!" nakairap na sabi ni Dorina, humalukipkip pa siya.

"Sinong iba-body shoot ko? I'm so excited!" Tila natutuwang sabi ni Daniel.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon