Ika-47 Kabanata

34.1K 563 16
                                    

Alas otso y medya ng magising ako. Nakahanda na ang breakfast at ipinagtimpla pa ako ng hot chocolate ni manang Susan.

"Hang-over?" Tanong ni manang Susan.

"Hindi po. Kaunti lang naman po ang nainom ko kagabi."

Akala ko ay ako palang ang nagigising sa amin ng mga oras na yom pero nagulat ako ng biglang sumulpot si Humpy na naka-topless at pawis na pawis. Mukhang katatapos lang niyang mag exercise, may maliit na gym pa naman dito sa bahay kung saan madalas na mag workout si Aries, paggising niya o kapag trip niya lang talagang magpapawis, sinasamahan ko pa nga siya minsan.

"Okay yung gym niyo dito." ani Humpy na hinihingal pa. Inabutan naman siya ng c2 ni manang Susan.

Samantalang si ate Helga at ate Becky naman ay halos mamilipit na sa kilig habang napapakagat pa sila ng labi, na nakatingin sa katawan ni Humpy na kumikintab sa pawis.

"Magdamit ka nga, di ka ba nahihiya?"

Nginitian niya naman ako. "Bakit naman ako mahihiya? Nakakahiya bang ibandera ang ganitong katawan, Aika?"

"Oo nga naman, Aika. Dapat pag may ganyang katawan. Dini-display." Sang-ayon pa ni ate Helga.

"Kayong dalawa, yung niluluto niyo baka masunog." Saway naman sa kanila ni manang.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang katawan ni Humpy, mula ulo hanggang paa. Yeah. Maganda rin ang katawan ng isang 'to. Lahat naman sila e, hindi nga lang ako gaanong tinatamaan sa maganda niyang katawan. For me his body is just natural.

Inirapan ko si Humpy at naglakad palayo sa kanya habang hawak ang tasa ng hot chocolate at nagpunta ako sa veranda. Nagulat naman ako ng tabihan niya ako sa mahabang couch na kinauupuan ko, mabuti nalang at nakadamit na siya ngayon.

"Aika, next year graduate na tayo. Anong plano mo?"

Nabigla ako na tinanong sa akin ni Humpy yon, pero matagal ko ng napag-isipan ang sagot sa tanong na'yon.

"Gusto kong magtayo ng business. Magbebenta ako ng mga handicraft kasi nag-eenjoy ako na gumawa 'nun."

"Arts and craft. Not bad. What about you and Aries, handa ka na ba na magpakasal sa kanya? Lumagay sa tahimik kasama siya?"

Napangiti ako sa tanong ni Humpy at saka ako tumango habang malayo ang mga tingin ko.

"Handang-handa na. I want to be his bride, I want to be his wife, I want to the mother of his child. I want to be his forever."

Narinig ko ang pagtawa niya kaya napalingon ako sa kanya. "You are so in-love."

"Isn't bad? Do you think that he feels the same way?"

Umiling siya. "No it's not bad. And obviously, he feels the way you feel, more than you'll ever know."

"Hey!"

Naputol ang usapan namin ni Humpy at sabay kaming napalingon sa dumating na si Aries.

"What are you guys talking about, huh?" Umupo si Aries sa tabi ko at hinilig ang ulo niya sa balikat ko.

"We're just talking about the future." sagot ni Humpy.

"Ang sakit ng ulo ko, babe." Paglalambing naman sa'kin ni Aries.

"Ayan kasi! Anong oras nga pala kayo tumigil kagabi?"

"I think it's almost three."

"Grabe kayo!"

Inalis ni Aries ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ko at nangingiti niyang tinuro si Humpy.

"Ang daya kasi nito, tinulugan kami. Pati si Harizel."

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon