Ika-7 Kabanata

38.8K 672 88
                                    

"Answer my goddamn question first!"

Natatakot ako kay Aries pero mas namutawi ang inis ko sa kanya. He sounds like a possessive boyfriend. Gusto ko sanang isipin na nagseselos siya, pero mas naiisip kong dala ng galit niya iyon sa akin.

"Ano ba 'yang pinag-iiisip mo? We're just friends, wala akong ibang minahal kung di-"

"Stop it. Basta ito ang tatandaan mo, Aika." Idinuro niya ako ng isa niyang kamay.

"Don't you dare fall in love to my friend. Don't.You.Dare." mariin at tila nagbabanta niyang sabi kasunod ng pag bitaw niya sa pagkakahawak sa braso ko, at naglakad na siya palayo sa akin.

Hindi ko napigilang mapaiyak habang pinagmamasdan ko siya. Kailan kaya mawawala ang galit niya sa akin, dahil sa ginawa ko? Hindi lang naman siya ang nahirapan ng maghiwalay kami. Nahirapan din ako.

Pagpasok ko sa loob ay nasalubong ko si Daniel, agad naman akong yumuko para hindi niya makita ang namumula kong mga mata.

"Buti nandito ka na. Bakit ang tagal mong pumasok? Alam mo kakapasok lang din ni Aries. Tara kain-"

"Wala akong ganang kumain Daniel. Tell them I rest."

"Aika, you need to eat. May tinawagan ng doctor ang kuya mo to check you up dahil sa nangyari sayo kanina."

"I need rest Daniel. Will you please let get it." Pumiyok pa ako sa pagkakasabi non at saka ako mabilis na naglakad paakyat ng hagdan papunta sa kwarto namin.

Pagsara ko ng pinto ay sumandal ako doon at hindi ko na napigilang ibuhos ang nararamdaman ko. Napahagulgol na ako habang takip-takip ko ang bibig ko para walang makarinig sa akin. Nang mahimasmasan ako sa pag-iyak ay humiga ako sa kama at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko ng tila makarinig ako ng mga nag-uusap sa paligid ko. At ng tuluyan ko ng maibukas ang mga mata ko ay nakita ko Daniel at Dorina.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kanila habang papungas-pungas ang mga mata ko.

Agad naman silang nagsitayo sa sahig at lumapit sa akin.

"Gutom ka na ba, Aika? Kain ka na sa baba. May doctor na pumunta dito kanina, tinignan ka niya habang natutulog, at ang sabi niya... Over fatigue daw ang dahilan ng pamumutla mo kanina. Buti nga di ka daw nahimatay." ani Dorina.

"So, I'm okay now?"

"Yup. Basta kailangan mo muna mag rest, siguro nasobrahan sa pagod ang katawan mo kanina kasi nga diba, it's our first time na nag trekking tayo ng ganoon kahabang oras. Ang init pa kanina."

"Tapos mukhang nakakadagdag pa yata ang emotionally stress na nararamdam-"

Sinamaan ko ng tingin si Daniel at nakuha niya naman yata ang gusto kong mangyari dahil itinigil niya ang kanyang dapat sana na sasabihin.

"Kidding." Pagbawi pa nito.

Hindi ko pa man sinasabi kay Daniel ang tungkol sa damdamin ko parin para kay Aries. Feeling ko alam na niya 'yon. Kanina nga lang ay sinabi niyang nararamdaman niya na may something pa ako kay Aries.

"Ayokong bumaba. I just wanna stay here." Ayoko rin kasing makita si Aries. Naiinis ako sa kanya, nasasaktan ang damdamin ko sa kanya.

"Okay, hatiran ka nalang namin ng pagkain girl. Tara na Dorina." Hinila ni Daniel ang kamay ni Dorina at lumabas na sila ng kwarto.

Ilang minuto lang ay bumalik narin ang dalawa pero kasama nila si Harizel at Daren.

"Dinner in bed." Nakangiting sabi ni Daniel habang inilalapag niya sa harapan ko ang tray ng pagkain.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon