Ika-5 Kabanata

40.6K 673 63
                                    

"Wala pa ba sila?" tanong ni kuya Hiro na kanina pa naka-ready sa pag-alis namin papuntang La Union.  Nailagay na niya ang mga gamit nila at ibang gamit ko sa kotse niya, dadalhin niya kasi yon dahil ayaw naman niyang makisiksik sa van lalo na't kasama si Hance. Maarte ang batang 'to, ayaw sa masikip. Kaya doon silang tatlo ni ate Shana sa kotse niya.

"Sabi niyo alas-tres tayo magbabyahe. Mag-aalas kwatro na." Sabi pa ni kuya.

Ako, si Dorina, Daniel, Elf, Harizel, Neil at Humpy palang ang naririto sa bahay. Dito naman lagi ang meeting place kapag mag a-out of town.

Nilalaro namin ni Daniel, Dorina at ate Shana si Hance, si Humpy naman ay nakahiga sa sofa at himbing na himbing sa pagtulog. Hindi naman maalis ang tingin ni Neil sa cellphone niya, adik kasi sa COC. Dalawang taon na ang nakakalipas at hanggang ngayon, hindi parin nalalaos ang larong yan? Kung sabagay, hindi pa sikat ang COC ng maadik doon si Aries. Samantala, si Harizel, Elf at Daren naman ay naroon sa patio, mga naninigarilyo.

"Papunta na daw sila." ani Neil na kahit di naman sumisigaw ay ang lakas-lakas ng boses.

"Bilisan ka'mo nila. Alas kwatro na, pag-inabot tayo ng umaga mata-traffic na tayo." sabi naman ni kuya na hindi mapakali.

Tuwang-tuwa sa pakikipaglaro sa amin si Hance. Napaka energetic na niya ng ganitong oras.

"NANDITO NA SILA!" sigaw ni Daren mula sa Patio.

"Mabuti naman." Tinapik ni kuya ang balikat ni Neil at inutusang gisingin na si Humpy. Pinalalabas niya narin kami.

"Where's Heaven?" Tanong ni Dorina.

Si Aries, Wein, Axel at Georgina lang kasi ang dumating. Nagkangitian pa nga kami ni Axel ng makita ko siya at makita naman niya ako. Hindi ko alam na kasama siya. I'm actually surprise pero hindi ko na pinahalata yon.

"Hindi rin daw siya makakasama. Marami daw orders sa shop." Sagot ni Wein.

Napanguso si Dorina at laglag ang balikat, para siyang nalugi. Kahit naman ako nalungkot din, kasi gusto ko magkakasama kaming lahat. Wala na nga si Hazel, wala pa pati si Heaven. Magiging masaya pa ba ang bakasyon na'to kung kulang-kulang kami? Hindi nga rin nakasama si ate Mikaela at kuya Wade. Si ate may iba daw summer destination with her own circle of friends, hindi ko naman alam kung anong dahilan ni kuya Wade. Baka balak niyang sumama kanila ate Mikaela. Ay nako! Bahala na nga sila.

"Di na nga makakasama si Hazel, di pa nakasama si Heaven. Mga babaitang yun talaga! Ang KJ." ani Daniel na naka cross-arms.

"O sige na, ayusin niyo na yung mga gamit niyo. Lagay niyo na sa sasakyan." Utos sa kanila ni kuya. Agad naman nagsikilos ang lahat maliban sa akin. Back pack ko nalang kasi ang dala ko, kung saan narito yung mga gadget ko at mga anik-anik. Nasa kotse na ni kuya yung maleta ko.

"Ano? Kasya pa gamit niyo? Lagay niyo na sa kotse ko yung iba."

Inilagay nga ng iba ang gamit nila sa trunk ng kotse ni kuya. May mga space pa kasi doon.

Nang maayos na ng boys ang mga gamit namin ay nagsisakay na kami sa van. May driver kami ngayon di tulad noon na si Aries lang. Naunang umandar ang kotse ni kuya na sinundan ng van na sinasakyan namin. Kanila Aries parin ito at bago na ito ngayon.

Sa tabi ng driver naupo si Humpy. Sa likod naman ng driver seat naroon si Georgina, nakaupo sa tabi ng bintana, katabi niya si Aries.
Sa tabi ni Aries ay si Wein, tapos si Axel. Sa likod naman ay kami nila Dorina, Daniel at Daren, gusto ko sana sa tabi ng bintana kaso inunahan ako ni Daniel sa left side tapos nasa right side naman si Dorina. Sa likod namin ay naroon si Neil, Elf at Harizel.

Naging smooth ang byahe namin. Ang boys puro kalokohan parin, ng magutom kami ay huminto kami sa isang drive through.

Tatlong oras na yata kaming bumabyahe. Tahimik na ang mga nasa unahan namin na sina Aries. Hindi ko gaanong makita pero obvious na nakahilig na naman ang ulo ni Georgina sa balikat ni Aries, pero binalewala ko nalang yon. Napalingon ako sa katabi kong si Daniel na nakanganga pa habang tulog na tulog, nilingon ko din si Dorina na tulog din, pati ang katabi kong si Daren na nakahalukip-kip at nakapikit ang mga mata.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon