Ika-6 Kabanata

44.2K 715 61
                                    

Napagod ako sa pagtuturo sa akin ni Daren na lumangoy. Ilang beses nga rin akong nakainom ng tubig kaya umahon na ako at pumasok sa loob ng bahay, habang nagpupunas ako ng buhok ay nakita ko mula sa glass sliding door si Humpy at Axel na naglalaro ng chest sa veranda, si Wein naman ay nanonood ng movie sa sala habang kumakain ng sandwich, nilingon niya pa nga ako.

"Tapos na kayo mag-swimming?" tanong niya.

"Ako lang. Napagod na'ko e, gusto ko matulog. Sila kuya asan nga pala?"

"Pumunta sa bahay nila manang Delfa. Mamayang hapon daw sila babalik, if you're hungry there's a lot food in the kitchen."

"Mamaya nalang ako kakain. Matutulog muna ako. Wala ka bang balak mag-swimming?"

Nginitian niya ako sabay sabing, "Laters baby."

Aba, Christian Grey lang ang peg?

Umakyat na ako sa itaas habang nakasuot ng robe. Pagpasok ko sa kwarto namin nila Dorina at Daniel. Agad akong pumasok ng bathroom para magbanlaw at magbihis.

Nag-blower muna ako para patuyuin ang buhok ko at saka ako pabagsak at patuwad na humiga ng kama. Nang ipikit ko ang mga mata ko ay hindi ako agad nakatulog, naalala ko kasi yung sinabi ni Aries.

"The Moment that you give me up, I realized that I don't deserve someone like you."

Napadilat ako ulit ng maalala iyon. Sa tono ng pananalita ni Aries habang sinasabi niya yon. Para siyang galit. Naiintindihan ko naman kung ganoon ang nararamdaman niya sa akin, pero ginawa ko lang naman kung ano ang sa tingin kong tama. I didn't give him up because that's what I wan't, but I give him up because that's what best for us. Mahirap sa akin yung ginawa ko.

Oo masakit maiwan, pero mas masakit yung mang-iwan lalo kung hindi mo naman ginusto.

Naipunas ko ang kamay ko sa tumulong luha sa mata ko. Dammit! Why am I crying? Diba dapat hindi na ako affected ngayon, kasi ang tagal ng nangyari ng lahat. Masaya na ang pamilya ko ngayon. May bago ng nagpapatibok ng puso ni Aries, kaya bakit nag e-emote pa ako ng ganito?

"AIKA!"

Agad akong napabangon sa kama ng marinig ko ang boses ni Daniel.

"O, bakit?" tanong ko sa kanya habang kinukusot ang mata ko.

"Alas singko na girl. Tara kain tayo, 'tsaka sabi ni ate Shana kung gusto mo daw ba mag night market mamaya. Bagsak presyo daw ang mga tinda doon."

"Kanina pa ba sila nakabalik?"

"Hindi naman. Kababalik lang din nila dito. Ano, tara na! Baka maubusan tayo ng makakain ang tatakaw ng boys grabe, saan kaya nila tinatago yung mga kinakain nila? Ang gaganda naman kasi ng katawan nila, hindi halatang malalakas sila kumain."

Bumangon na ako sa kama at sinuklay ang buhok ko.

"O, baka mauwi na naman yan sa pagpapantasya ha." Nakangiti kong saway sa kanya habang nakaharap sa salamin.

"Ito naman. Anong akala mo sa'kin manyak?!"

"Bakit hindi ba?" Tatawa-tawa ko pang sabi.

"Slight lang." Sabay ngiti niya. "Pero alam mo girl, naisip ko lang ha, kung hindi sa tyan nila napupunta ang kinakain nila, baka naman sa...O.M.G!" Napatakip pa ito ng bibig at nagpapapadyak. Namumula ang mukha ni Daniel na parang kinikilig na ewan.

Ano ba ang nasa isip ng baklang 'to?

"Ano na naman ba yang pumasok sa malumot mong utak?"

"Grabe ka naman. Malumot na utak talaga? Naisip ko kasi na baka sa tutot nila napupunta yung kinakain nila. Alam mo kasi pag napapatingin ako sa pagitan ng swimming trunks nila, bakat na bakat yung malalaki nilang kinabukasan e. So, that means hindi tyan nila ang lumalaki kung di ang alaga nilang ahas sa pagitan ng kanilang mga hit-"

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon