Ika-26 Kabanata

43.3K 652 65
                                    

Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ko na nasa bedside table.

Pikit mata kong kinuha iyon at sinagot ng hindi ko nalalaman kung sino ang tumatawag.

"Hello." Walang kabuhay-buhay kong sagot.

Antok na antok pa kasi ako, nagwala kasi ang sistema ko kagabi at halos hindi makatulog dahil sa ka-sweetan ni Aries, muntik pa siyang hindi umuwi sa bahay niya dahil gusto niyang dito sa condo ko matulog.

"Good Morning, babe." Tila nagising ang diwa ko ng marinig ko ang malambing na bati ni Aries mula sa cellphone.

Tinignan ko ang alarm clock ko sa bedside table at nakitang alas singko palang ng umaga. It's too early dahil alas otso pa naman ang pasok ko. I supposed to wake up at six or six thirty.

"Aries, you're too early." Bumangon na ako at naghikab.

"Sorry babe, I'm just too excited to see you again. I'm infront of the door, can you open it please. I have something to eat, for us."

Tila mas lalong nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Nasa labas na siya ng condo unit ko?

"Seriously? Nasa labas ka?"

"Yup. Come 'on, open the door."

Nataranta ako sa sinabi ni Aries, kaya pinatayan ko agad siya ng cellphone at nagmamadali akong pumasok ng bathroom para maghilamos at toothbrush.

Hindi ko alam kung bakit nako-concious na ako sa kanya ngayon. Maybe because I wanna look perfect on him, yung wala siyang masasabing mali sa'kin.

Inabot yata ako ng ilang minuto bago ko pinagbuksan si Aries na naabutan kong nakaupo na sa harap ng pintuan.

"Aries, I'm so sor-"

Nanlaki ang mga mata ko ng pagtayo niya ay bigla niya akong ini-smack kiss.

"It's okay, babe." Nakangiti niya pang sabi 'tsaka niya ako inakbayan papasok sa loob.

"Teka, teka! Yung pinto."

Habang sinasarado ko ang pinto, nagdire-diretcho naman si Aries sa dining at inilapag ang mga binili niyang pagkain, para sa amin.

Paglapit ko sa kanya ay nakahanda na ang mga almusal na binili niya. Inilibot ko ang paningin ko sa mga ito. Pancakes, fried rice with steak, fried egg, hot chocolate at coffee.

"Namiss ko kumain ng pagkain sa fast food, kasama ka. You know, when I was in L.A, kapag napapadaan ako sa kahit anong fast food restaurant, ikaw lagi yung naaalala ko." ani Aries habang nakangiti siya sa'kin. Napakagat pa siya ng kanyang labi.

It was just a simple breakfast, but it turned out to be especial, because today I'm gonna share it with, Aries. The man that I love.

Ipinaghila ako ng upuan ni Aries at ng makaupo na ako ay 'tsaka lang din siya naupo.

"Sabay tayo pumasok mamaya." aniya habang kumakain kami.

Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya, habang ngumunguya ng kapirasong steak. "Bumabawi ka talaga huh?"

"Ofcourse. Masyado akong nakonsensya sa pambabalewala ko sayo 'non, para lang mapatunayan ko sa sarili ko, sayo at sa ibang tao na wala na talaga akong nararamdaman sayo, even though sometimes...I can't even hide it. I'm so sorry about that, babe." Kitang-kita sa mukha ni Aries ang sinseridad habang sinasabi niya yon.

"Okay lang, alam ko naman na nasaktan kalang talaga na isinuko agad kita, na umayaw agad ako."

"But now...I won't let my pride and ego, take me again. Handa akong ibaba ang ego ko at lunukin ang pride ko maipaglaban lang kita, Aika."

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon