Ika-35 Kabanata

34.9K 520 30
                                    

Alas sais ng umaga ay nasa Home for the Angels na agad kami para ipaglutong muli ng almusal ang mga bata. Sopas, sinangag at hotdog ang ipapakain namin sa kanila ngayon.

Ang mga lalaki naman ay abala sa paglalagay ng mga mesa at upuan sa malawak na likuran ng bahay ampunan.

"Good Morning, ate Aika." Bati sa'kin ni Aliah matapos silang gisingin ni sister Arlene gamit ang maliit nitong bell na pinatutunog niya sa magkahiwalay na silid ng mga babae at lalaki.

"Good Morning din sayo, Aliah. Kamusta ang tulog mo?" Tanong ko sa kanya.

"Masarap po. Napanaginipan ko nga po kita kasama si kuya Aries."

"Really? Ano namang ginagawa natin sa panaginip mo?"

"Ako at kayo sa isang malaking bahay. Naglalaro po tayo, ang saya-saya nga po natin e."

Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo ni Aliah at masuyo ko na hinaplos ang magulo niya pang buhok.

"Wag ka mag-aalala. Magkakatotoo yung panaginip mong 'yon, someday."

"Paano po?"

Nginitian ko siya. "Basta."

"Sana nga po. Gusto ko na po magkaroon ng pamilya."

"Basta, magpakabait ka lang at magkakaroon ka ng pamilya, Aliah. O sige na maupo ka na."

Tumakbo na si Aliah papunta sa upuan niya, ako naman ay nakangiti lang na sinundan siya ng tingin.

Aliah wants me to adopt her and be her mom, tapos si Aries yung gusto niyang maging daddy. Natutuwa ako pag naiisip kong magiging parents kami ni Aries. Sa totoo lang gusto ko na nga talagang ampunin si Aliah, alagaan siya at iparamdam sa kanya na mahal ko siya kahit na hindi niya ako tunay na ina. Kaya lang, complicated pa yung sitwasyon namin ni Aries e, magulo pa. Siguro kailangan muna namin ayusin ang lahat bago namin siya ampunin. Pero, pinapangako ko sa sarili ko na sa tamang panahon at wala paring umaampon kay Aliah. Ako na ang tatayong ina niya.

Muli ay hinanap ng paningin ko si Aries at nakita ko siyang abala sa pagbabantay ng mga batang lalaki sa kanya-kanyang upuan ng mga ito, habang kumakain. Kung minsan kasi ay may mga nag-aaway sa mga ito dahil sa pagkain.

"Aika, eto'ng sayo o." ani Lanie na inabutan ako ng isang plato ng sinangag na may isang hotdog at inabutan din niya ako ng mangkok na may lamang sopas.

Pantay-pantay ang pagkain namin dito sa orphanage dahil iyon ang utos ni mother superior.

"Good Morning Everyone!"

Napalingon kaming lahat sa biglang dumating na si Kyle. May bitbit siyang dalawang box ng cake.

"May dala akong cake para sa inyo." Masigla niyang sabi.

Nag-ingay ang mga bata at mga nagsipalakpakan sa sinabi ni Kyle.

"Teka, Kyle. Mamaya mo nalang ipakain sa mga bata ang cake na dala mo. Pagkatapos nilang mag exercise." ani sister Lorna.

"Oo nga, Kyle. Masosobrahan ang mga yan sa pagkain." Sang-ayon pa ni mother superior.

"O mga bata, mamaya nalang natin kakain 'tong dala ko ha." ani Kyle.

Hindi naman nagreklamo ang mga bata at nagpatuloy na ang mga ito sa pagkain.

"Nag-almusal ka na ba?" Tanong ni sister Lorna kay Kyle.

"Hindi pa nga po e."

"Tamang-tama may pagkain pa roon." ani sister Arlene.

"Tara, Kyle. Samahan kita sa kusina." sabay akbay ni kuya Jester kay Kyle at naglakad na sila papasok sa loob.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon