Ika-41 Kabanata

38K 612 99
                                    

"I wanna talk to them tomorrow." Walang pag-aalinlangan kong sabi kay Ms. Rifa.

"Are you ready?"

Tumango ako sa kanya. "Gusto kong malaman ang lahat. Para matapos na'to. Kung mananatili akong hindi handa at hindi kayang harapin ang katotohanan. Kailan ako magiging masaya?"

"That's right. Tomorrow in the morning. Ihahatid kita sa kanila. But for now, bakit hindi muna kayo mamasyal ni Aries dito." Nginitian pa ako ni Ms. Rifa.

Bigla akong nailang sa kanya kaya ibinaling ko ang paningin ko sa malayo. "This house is really pretty."

"Pinagawa ko 'to last year. Kahit walang kasiguraduhan na buhay ka pa nga. Ipinagawa ko parin ang bahay na'to para sa'kin, para sayo at para kay Fretzy. It was supposed to be our rest house. Maganda kasi ang ambiance dito at tahimik. A perfect place to unwind."

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maganda talaga rito. Sariwa ang hangin, maraming puno at halaman. Talagang mare-relax ka.

"Kaya po pala karamihan sa mga gamit dito mga mukha talagang bago pa. N-Nagustuhan ko rin po pala yung kwarto."

"Yung kwarto mo?"

Tumango ako ng nakangiti sa kanya.

"Mabuti at nagustuhan mo. Sinabi kasi sa'kin ni Kyle na mahilig ka daw sa purple. Actually, ako lang ang nag-ayos ng kwarto mo. Gusto ko kasi kapag naroon ka, kahit kaunti maramdaman mo ang presensya ko. You know that I'm a fashion designer not an interior designer, kaya inisip ko na babalewalain mo lang ang ayos ko sa kwarto mo." Nangingiti pang sabi ni Ms. Rifa. Para bang nahihiya siya sa'kin.

"No. I really appreciate it and it's not a lie."

"Well, thank you."

Saglit na napuno ng katahimikan, hanggang sa muli akong magsalita.

"Uhm...Ms. Rifa?"

"Hmm?"

"Si Kyle. He's my cousin right? Bakit siya ang inutusan niyo na alamin ang tungkol sa'kin?"

"Dahil nag presenta siya. Curious din daw kasi siya sayo. Nasa Korea na ang buong pamilya ni Kyle at dalawang taon na siyang nasa puder ko. He's a happy go lucky, but a businessman dahil may dalawa siyang grocery store na pagmamay-ari na nakatayo dito sa makati at sa may taguig."

"Really? And how old is he?"

"He's twenty four. Siya nga pala, alam mo ba na magkaibigan sila ni Humpy?"

Ikinagulat ko bigla ang sinabi niya. "M-Magkaibigan sila ni Humpy?"

"Oo, madalas ko silang makita na magkasama before."

Tila nagpantig ang tenga ko sa nalaman ko at pakiramdam ko umaakyat na naman ang dugo dahil sa inis. Humanda sa'kin ang dalawang manipulator na 'yon.

"Maiwan ko na po muna kayo, Ms. Rifa. I need to talk to them."

"A-Okay."

Pagbalik ko sa living room ay nakita kong masayang nagku-kwentuhan si Aries, Humpy at Kyle habang may kanya-kanya silang hawak na can beer.

"How's the mother and daughter bonding, huh?" Nakangiting tanong ni Kyle sa akin ng makita niya ako. Hindi ko naman siya sinagot.

Naglakad ako palapit sa kanila ni Humpy at humalukipkip ako sa harap nilang dalawa. "Magkaibigan pala kayong dalawa?" tanong ko habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

Nagkatinginan naman silang dalawwa at saka nila ako sabay na tinawanan.

"Isn't obvious, my cousin?" Nakangising sagot ni Kyle.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon