Ika-9 Kabanata

39.4K 663 41
                                    

Alas dose na kami nakauwi ng Lagdameo Ranch kagabi. Ngayon naman ay papunta kami sa San Juan. Mas exciting ngayon dahil mas marami kaming pagkain at mas feel namin ang summer dahil sa init. I'm ready to have fun under the sun.

Kaya lang parang bigla namang bumalik sa dating pagiging cold si Aries. Kahapon, good mood siya at nagawa niya pa akong tawanan, pero ngayon eto na naman siya sa mga tingin niyang para bang tinutusok ako at bumabaon yon hanggang kaluluwa ko. Naka-poker face siya na para bang hindi mo mabibiro. Akala ko pa naman simula na ulit ng maganda naming samahan, akala ko lang pala.

Sa van ay nasa likod kaming tatlo nila Dorina at Daniel, habang ang mga boys naman ay sabay-sabay na kumakanta ng overdrive ng eraserhead. Buti nalang at hindi naaalibadbaran ang driver na si kuya Theo, nakukuha pa nga nitong tawanan ang mga kasama ko.

Pagdating namin sa isa sa magagandang beach resort dito sa San Juan. Bumungad agad sa amin ang dalawang dayuhang lalaki at tatlong dayuhang babae may mga kanya-kanyang surfboard na dala. Nakita ko pa ngang nginitian ng mga babae ang HBB at kahit na nakalayo na ang mga ito ay nililingon pa sila.

"What a nice ass." Nakangising sabi ni Wein habang nakatitig ito sa mga dayuhang babae. "I can already sense the happiness in here." dagdag pa niya.

Sana nga happiness overload ang mangyari ngayon.

Pagdating namin sa cottage na nirentahan namin. Agad kaming kumain, tanghalian narin kasi. Dapat nga sana ay maaga kaming pupunta dito, kaya lang ay tinanghali kaming lahat ng gising. Lalo na ang boys na mga lasing.

"Oh I love summer!" Tuwang-tuwang sabi ni Daniel habang hawak niya ang isang pulang sarong at iwinawagayway ito patalikod. "Magpalit na nga kayo." tila naiinip niyang sabi.

Agad naman napukaw ang atensyon ni Daniel ng isa-isa ng naghubad ang boys ng kani-kanilang suot na damit.

"Girl, bigla akong nagutom ulit." Kinagat pa ni Daniel ang kanyang labi habang nakatingin sa boys na ngayon ay puro naka-topless na at nakabalandra sa amin ang mga adonis nilang katawan.

Napapalunok pa nga kaming dalawa ni Daniel habang pinanonood ang boys na mag lagay ng sunblock, pero sa totoo lang. Kay Aries lang talaga nakatuon ang atensyon ko. Para bang nagigising ang buong pagkatao ko sa kamachohan niya.

"Aika!"

Bigla akong napatigil sa pagtitig kay Aries ng tawagin ako ni Dorina na nakasuot na ng pulang two piece bikini, si Georgina at Shelly ay naka bikini narin at nagpapahid ng sunblock.

"Aries!" Narinig kong pagtawag ni Georgina dito.  Nasa tapat ng cottage si Aries, nalatayo sila ng ibang boys doon at pinanonood ang mga nagsu-surf at body boarding, hawak pa nga ni Aries ang kanyang surfboard.

"Can you please put me sunblock on my back." mahinhing sabi ni Georgina.

Ngumiti naman sa kanya si Aries. "Sure."

Pinahawak ni Aries kay Harizel ang surfboard niya at naglakad siya patungo kay Georgina.

Hindi naman nagpatalo si Shelly na kanina pa nakataas ang isang kilay kay Georgina. Pagkatapos lagyan ni Aries ang likod ng huli,

"Aries, pwede bang pakilagyan din ako." Wika naman ni Shelly.

Napabuntung hininga nalang ako sa dami ng babaeng nagpapapansin kay Aries. At least noon, kahit na may magpapansin sa kanya, alam ko namang akin lang siya. Kaso ngayon hindi ko na siya pag mamay-ari. Malaya na siyang landiin ng mga babaeng may pagtingin sa kanya at wala na akong karapatan doon.

"Mga simpleng landi no?" Bulong sa akin ni Daniel.

"Ha? Sino?"

"Kunwari ka pa alam mo na kung sino. Alam mo friend, lagi mo lang tatandaan na. Ayaw ni Aries ng mga babaeng nagpapapansin sa kanya. Ayaw niya ng mga babaeng pinapakitang gusto siya ng mga 'to."

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon