Ika-3 Kabanata

41.9K 691 135
                                    

I was looking at my reflection on the mirror habang abala sa pag-aayos ng buhok ko ang make up and hair stylist na pinapunta ni tita Angeline dito sa bahay ni kuya. Balak ko nga sana na ako nalang ang mag make up sa sarili ko, pero dahil sadyang makulit si tita. Ayun at pinagbigyan ko nalang ang gusto niya. Masyado kasing concious si tita pagdating sa looks, gusto niya yung talagang magmumukha kaming kaaya-aya sa mata ng mga tao. Siguradong mga bigating tao na naman ang imbitado.

Matapos ang ilang oras na pag-aayos. Natapos din ako. Lugay na may malalaking kulot ang ginawa ng hairstylist sa buhok ko, isang red off shoulder cocktail dress naman ang sinuot ko. Galing din ito kay tita Angeline and it's from Shaidine Shop. First time kong magsusuot ng dress na dinisenyo ni Ms. Rifa at ngayon masasabi ko na bukod sa maganda ang design niya ay maganda rin ang quality ng tela nito. Hindi makati.

Magkaterno naman ang bracelet at hikaw na suot ko at yung kwintas ko namang suot ay yung birthday gift parin sa akin ni Aries noon, hindi na kasi ako sanay na hindi ito ang isinusuot, para bang hindi ako mapakali at parati kong hahawakan ang leeg ko kapag hindi ko maramdaman ang presensya 'nun doon.

Tapos narin ayusan si ate Shana at ate Mikaela. Mga naka side bun ang buhok nila at mas dark ang make up nila sa akin, medyo light lang kasi ang akin dahil mas bagay daw iyon sa akin, sabi ng make up artist. Si kuya naman ay kanina pa naghihintay sa labas. Ready narin si baby Hance na buhat ni ate Flor na taga alaga na ngayon ni Hance.

Paglabas namin mula sa make up room. Isa-isa na kaming bumaba ng hagdan. Nakakakilig nga si kuya at ate Shana, naroon kasi si kuya sa ibaba ng hagdan at hinihintay si ate Shana habang bumaba ito. They're like prince and princess, yung mga tingin ni kuya kay ate Shana, halatang in-love na in-love talaga siya kasi nag go-glow ang mga mata niya at yung ngiti niya, ibang-iba sa mga ngiti niya noon. Ngiting punung-puno ng labis na kaligayahan.

Natawa naman kami ni ate Mikaela kasi habang buhat buhat ni ate Flor si Hance ay tuwang-tuwa itong nakatingin kay ate Shana na para bang gandang-ganda rin siya sa mama niya.

"Ganda ni mama, Hance diba?" Tanong pa ni kuya sa tatlong taong gulang na anak.

Sumabay ako kanila kuya samantalang si ate Mikaela naman ay sinundo pa talaga ni kuya Wade, nauna pa nga silang umalis. Dapat nga kasabay namin yon si ate Mikaela e, pero hinayaan na namin dahil mukhang may something naman sa kanilang dalawa ni kuya Wade. Indenial lang ang ate ko. Excited na nga akong magkaroon siya ng boyfriend.

Hindi ko alam kung bakit nanlalamig ang buo kong katawan habang papunta kami sa bahay nila Aries. Hindi naman ganoon kalakas ang aircon dito sa kotse at iba 'tong lamig na nararamdaman ko e, kasi bakit pinagpapawisan ang palad ko?

Ilang minuto lang ang byahe at nakarating na kami sa Lagdameo residence na mas lumaki pa. Noon ay ang veranda nila Aries ang madalas na tambayan naming magkakaibigan, ngayon ay may sarili ng guest house kung saan kami pwedeng tumambay. Sa pangalawang gate kami sa harapan pumasok, papasok iyon ng guest house at papunta sa backyard kung saan nagaganap ang party. Ang bahay na nga yata nila Aries ang isa sa pinakamalaking bahay na naririto sa Forbes park.

Buhat-buhat ni kuya Hiro si Hance habang patungo kami sa backyard. Naririnig na nga namin ang ingay doon kahit naririto palang kami sa living room, may mini bar din dito kung saan may ilang lalaking tila kaedad ko lang, mga mukha silang amerikano kaya siguro, kamag-anak nila Aries ang mga ito. Napakunot pa nga ang noo ko ng huminto sila sa kung ano mang pinag-uusapan nila at tinignan ako.

Hindi ko nalang pinansin ang mga yon at natuon ang pansin ko sa tila waterfalls na nasa gilid, yung mga umaagos na tubig doon ay bumabagsak sa isang aquarium na may mga koi fish. It's my first time to came here, ni minsan hindi ako napasyal dito simula ng umalis si Aries, kaya namamangha ako sa interior ng bahay. Nabawasan tuloy kahit papaano ang di ko maipaliwanag na kabang nararamdaman.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon