Ika-16 Kabanata

38.1K 571 51
                                    

Paglingon ko sa likuran ko ay nakita ko si Michael.

"What are you doing here?" tanong niya.

"P-Pauwi na sana ako. Nag-grocery kasi ako, kaso biglang umulan. Hindi tuloy ako makatawid papunta sa sakayan, hihintayin ko na nga lang na humina sana. Ikaw? Bakit nandito ka?"

"Napalabas lang ako to check kung gaano kalakas 'tong ulan. Kumain kasi ako sa isang restaurant. Tara, ihahatid na kita."

"No, no, no. Salamat nalang Michael. Pahina narin naman 'tong ulan."

"Aika naman, tinanggihan mo na nga ang puso ko noon, tatanggihan mo pa pati offer ko." Kasunod ng pagbuhat niya sa dalawang mabibigat na plastic ng mga pinamili ko.

"Michael ako na sa isa." Nahihiya kong sabi sa kanya.

Nilayo naman niya sa akin ang mga pinamili kong groceries na buhat-buhat na niya. "Ops. Ang mga babaeng kasing ganda mo. Hindi dapat hinahayaang pagbuhatin ng ganito kabibigat. How did carry this heavy stuff, huh?"

Napakamot ako ng ulo habang muli kaming pumapasok ni Michael sa entrance ng mall.

"Nakakahiya naman sayo, ako na kasi magbubuhat ng isa."

"Aika, I won't let you carry this kahit maglupasay ka pa dyan." natatawa niyang sabi.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa parking area.

"Ay sorry!" May nabunggo pa akong isang lalaking naka itim na hoodie at nakatalukbong ang ulo kaya di ko nakita ang mukha, but he's tall.

Agad na inilagay ni Michael sa likod ng sasakyan ang mga pinamili ko at pagpasok namin sa kotse niya ay nagsimula na kaming magkwentuhan. Palibhasa'y hindi naman kami gaanong nakapagkwentuhan nung naroon kami sa bahay nila Daren, kasi silang boys ang laging nag-uusap 'non. Nasa backyard din kasi sila habang kami namang mga girls ay nasa living room.

"How's work? Balita ko kay dad. You're a really great divisional manager. He's really impress to you, baka ma-promote ka pa niyan."

Napangiti siya sa sinabi ko. "Hindi naman. Medyo lang. Well, masyadong busy ngayon, wala na nga akong panahong maghanap ng ka-spark ko." kasunod ng isang mahinang pagtawa niya.

"Wag kang mag-alala makakahanap ka rin. Sa gwapo mong yan, naku! Maraming mahuhumaling sayo. Sa office ba wala?"

"Ayoko namang magyabang, why don't you just ask, kuya Hiro."

"Nako! Siguro nga daming chics na nagkakandarapa sayo."

"Hindi naman. Anyway, how's your relationship with Aries now? Nakita ko nga pala siya kanina. Kaya nga naisipan ko din lumabas kasi parang nakita ka daw niya na lumabas. And there you are. Kasama ko ngayon kasi talaga ngang nasa labas ka pala." Natatawa niyang sabi.

Bigla namang nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. At muli akong nakaramdam ng galit sa sinabi ni Aries kay Michael.

Parang nakita daw niya ako? Eh, talaga namang nakita niya ako ha, nakausap ko pa nga siya.

Damn you! Aries Lagdameo!

"Aika?"

"Ha?"

"Bigla kang nanahimik."

"Ah, wala naman. May naisip lang ako saglit."

"So, kamusta nga kayo ni Aries? Nagtaka lang kasi ako kanina nung sinabi niya sa akin na parang nakita ka raw niya. But he's reaction, para bang wala siyang pakialam...basta parang nakita ka lang niya. Bigla akong nanibago, hindi kasi siya ganoon dati. Yung kilala kong Aries noon, ayaw na ayaw niya na nawawala ka sa paningin niya. Malayo ka palang, kahit nga hindi siya siguradong ikaw yung nakita niya. Lalapitan ka parin niya. Yon ang pagkakakilala ko sa kanya noon."

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon