Ika-12 Kabanata

41.7K 728 63
                                    

Tapos na ang dalawang linggong bakasyon namin dito sa San Fernando La Union. Panibagong ala-ala na naman ang babaunin namin pag-uwi sa Maynila.

Sa pag-alis namin, pinili kong sa kotse nalang ni kuya sumakay, iyon din kasi ang sabi niya lalo na't may nangyari sa pagitan namin ni Georgina. Awkward naman kung doon parin ako sasakay sa van.

Sa byahe ay nilaro ko lang si Hance at ng makatulog siya ay nakatulog din ako. Nagising nalang ako ng nakarating na pala kami sa bahay nila kuya.

Dahil kami ang unang nakarating, agad na akong umakyat sa kwarto ko dito sa bahay, napagdesisyunan ko rin kasing mamaya nalang ako uuwi sa condo ko dahil gusto kong ituloy muna ang tulog ko.

Hindi pa man ako nakakaidlip ay tumunog ang cellphone ko at rumehistro ang pangalan at numero ni Dorina.

"Hello."

"Aika, nandito na kami sa tapat ng bahay niyo. Hindi ka na ba bababa?"

"Hindi na Dorina. Ang bigat ng katawan ko sa sobrang pagod 'tsaka ayoko munang makita sina-basta...Naiintindihan mo naman kung bakit diba?"

"Okay sige. Kita nalang tayo sa pasukan. Love you!"

"I love you too girl."



Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating ang pasukan. Pagpasok na pagpasok ko ay si Aries ang laman ng balita, bakit hindi e mag-aaral na siya ulit dito. Sabi ni tita Angeline ay dito na raw mag-aaral ng master's degree si Aries. Kung hindi sana siya lumipat ng L.A, siguro ngayon ay last year narin niya tulad namin, at pwedeng maging magkaklase pa kami. Hindi na rin daw babalik si Aries sa L.A ayon kay tita. Hindi ko na nga tinanong si tita kung anong dahilan at hindi na babalik sa ibang bansa si Aries. Diba pangarap ni Aries na doon mag-aral?

Habang naglalakad ako papunta sa unang klase ko ay nakikita ko ang mga nakaw na tingin ng iba sa akin. Mapababae man o lalaki, nakikita ko pang nagbubulungan sila habang nasa akin ang tingin. Ano na naman bang issue ko? Dati ganyan din sila nung naghiwalay kami ni Aries, madalas ako ang usap-usapan nila.

Noon, usap-usapan na nagsawa na daw sa akin si Aries kaya niya ako iniwan, na nawala na daw yung gayumang pinainom ko kay Aries at natauhan na siya, yung iba naman ang sabi ay hindi naman daw talaga kasi nagtatagal ang relasyon na nagsimula sa pagiging matalik na magkaibigan. Binalewa ko na nga lang lahat ng naririnig ko noon dahil wala namang katotohanan ang mga sinasabi nila.

"Aika!"

Napalingon ako sa dalawa kong kaklase noong second year palang ako sa BSBA.

"Uy! Aika. Totoo ba yung balita? Dito na ulit mag-aaral si Aries?" Bakas sa mukha nito ang tuwa habang tinatanong yon.

"Oo."

"Ano na nga ba siya, master's degree o bachelor parin?"

"Master's degree."

"Nice. Bumalik narin si Mr. MVP! Siguradong gaganahan na naman akong pumasok, crush na crush ko talaga si Aries. Forever na nga yata siyang nasa puso ko." Kinikilig nitong sabi.

"Walang forever." sabi naman ng kasama niya. Ang alam ko kaklase ko rin ito noon, di ko lang gaanong matandaan dahil hindi kami ganoon ka-close.

"Kamusta pala kayo? Okay na ba kayo? Ang astig ng relationship niyo no, buti nalang talaga naghiwalay kayo. No offense, pero kasi diba complicated naman kung kayo pa, lalo na ngayong kasal na yung mommy niya at daddy mo. That means, step siblings na kayo."

Hindi na ako nag-react sa sinabi niya. Alam kong hindi kami okay ni Aries ngayon, pero para wala ng masabi ang mga ito ay tumango nalang ako sa tanong nito kung okay na ba kami ni Aries.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon