Ika-29 Kabanata

33.7K 559 39
                                    

SPG: Medyo-medyo

----------

"Daren, anong problema?" Tanong ko sa kanya habang hinahagod ko ang likod niya.

Lumayo siya sa'kin at naglakad papunta sa couch 'tsaka siya pabagsak na umupo doon. Sinarado ko naman ang pintuan at nilapitan siya, ngayon ay nakapatong na ang ulo niya sa headrest ng couch at nakatingala.

"Ano ba ang problema? Kung ano man yung nasabi ni Harizel sayo, pagpasensyahan mo na. In-love yung tao, Daren. Kapag in-love gusto mo siya lang yung-"

"In love din naman ako ah."

Nakatingin parin siya sa kisame at mabigat ang kanyang bawat pag hinga.

"Ang sabi niya hindi ako marunong magmahal." Tumawa siya. "Gago ba siya? May puso din ako, may damdamin. Marunong din ako magmahal, ang problema lang. Hindi ako kayang mahalin ng mga taong mahal ko."

"He didn't mean to say that, Daren."

"He mean it or not. Tinamaan ako e. Sapul sa'kin, Aika. Bulls eye pa."

"Alam mo mabuti pa, magpahinga ka na. Tapos bukas, mag-usap kayo ni Harizel." Akmang tatayo ako para kumuha ng unan para kay Daren.

Pero hinawakan niya ako sa wrist ko kaya napaupo ako ulit.

"Stay there. Even if just for awhile, Aika."

"I'll stay. Pero, magkukwento ka. Sasabihin mo sa'kin kung ano yang problema mo, kasi hindi ka naman basta-basta maaapektuhan kung wala kang pinagdaraanan."

"You really want to know it?"

Tumango ako sa kanya.

"Since I was kid. Parati nalang akong ikinukumpara. Kay Dorina, kay Aries at sa lahat ng mga taong nakikita nila na asensado na sa buhay, na professional na sa ibat-ibang larangan. You know, it always hurts my ego. But still I'm trying to do my best, that my family can be proud of. At nakita ko 'yon sa pagmo-model. Pero ba't ganon? Why they can't support me for what I want? How can I make them proud of me, if they don't want me to do this. To be a model."

"Diba nga, sabi ko sayo noon. Do what makes you happy. Hindi porke't ayaw nila, I gi-give up muna. Ayan yung mga natutunan ko sa buhay, Daren. Wag mong bibitawan ang mga bagay na alam mong nagpapasaya sayo. Kahit na maraming gustong kumuha 'non o kaya naman ay maraming ayaw na mapasayo 'yon. Just keep holding on to it."

Tumango-tango naman siya at tumawa. "One more thing."

"Uh?"

"You know what hurts me the most now, that is... I love someone who can't love me back." Mapait siyang ngumiti habang ang mga mata niya ay namumungay na nakatingin na sa akin.

"Baka naman naiisip mo lang na hindi ka niya kayang mahalin, did you try to ask her?"

Ngumisi ulit si Daren at sinuklay ang kulot niyang buhok ng isa niyang kamay.

"Aika, kahit hindi ko na siya tanungin. I can see kung gaano siya kainlove at ang masakit, hindi sa akin, kaya hindi na tinatanong yon."

"Who is she? Kilala ko ba?"

Binasa niya ang kanyang labi at ipinikit ang kanyang mga mata.

"I don't think so. It's hard to fall in love to her, it's hard to have a one sided love, it's a misery. You know, I'm in love with a girl, that in love to my friend."

Napanganga ako sa pagtatapat ni Daren.

Who's that girl? Ang sabi ni Neil kanina, in love daw si Harizel at ngayon, magkaaway si Harizel at Daren. Malaki ang possibility na ang babaeng kinahuhumalingan ni Harizel ay ang babaeng gusto ni Daren.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon