Ika-10 Kabanata

40.5K 641 53
                                    

Di pa man ako nakakalapit sa cottage namin ay natanaw ko na si Humpy.

"Aika? Saan ka galing?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil basta ko nalang siya niyakap at humagulgol sa kanya. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod at ulo ko.

"Hey, what happened?"

"You're right. Everything happens for a reason, but sometimes it happens, because of an idiotic decision. I made an idiotic decision, Humpy. I was wrong to give him up. Sana pinaglaban ko siya. I still love him Humpy. I'm still in love with him." humahagulgol kong sabi habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Kahit hindi ko naman sabihin kay Humpy kung sino ang him na 'yon. I know he already knew it.

Naramdaman kong sinapo ng mga kamay niya ang magkabila kong pisngi at inilayo niya sa kanyang dibdib at saka siya nag bend ng kaunti at inilapit ang mukha niya sa akin para tignan ako. Hindi ko parin mapigilan ang paghikbi habang nakatitig ako sa blue eyes ni Humpy. Yes, he has a very beautiful blue eyes. Hindi kataka-taka, he's a swedish american.

Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha ko. Hindi na ako nahiya na lalaki siya at nakikita niya akong umiiyak.

"Alam mo, ang ganda mo parin kahit umiiyak." aniya habang nakangiti.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagagawa niya pa mang-uto.

"What's with that look?" Nakangisi niyang tanong.

"Wag mo nga akong utuin."

"It's a compliment, Aika. And you know what does that mean? That means that a girl that still look good even if she's crying, will always be loved. Your beauty never last, Aika. And I believe that his love for you will never last too."

Alam ko naman na sinusubukan lang ni Humpy na pagaanin ang kalooban ko. At nagtagumpay naman siya. Kahit papaano ay nabawasan ang sakit at tila pagsisising nararamdaman ko ngayon. Wala akong pinagsisisihan na hinayaan kong maging masaya si daddy at tita Angeline, ang pinagsisisihan ko ay yung pagbitaw ko kay Aries. Kung pwede ko lang sanang ibalik at itama ang lahat.

"Aika, maybe sometimes everything happens because of an idiotic decision, but there is a second chance for everyone, and that second chance can change that idiotic decision." Dagdag pa ni Humpy at saka niya pinunasan ulit ang tumulo na namang luha sa mga mata ko.

Tama siya. May second chance pa ako, pero paano ko sisimulan ang second chance na'yon?

"Wag ka ng umiyak, baka may makakita pa at isiping pinaiiyak kita. You know what, ikain mo nalang yan."

Inakbayan niya ako 'tsaka kami naglakad na papunta sa cottage.

Pagdating namin ni Humpy sa cottage ay agad na akong kumuha ng damit na pamalit ng makapagbanlaw na ako't paalis narin naman kami. Kasabay kong nag-shower si Dorina at Shelly.
Pagbalik namin ay naroon na si Aries at Georgina. Si Georgina ay mukhang papunta palang sa shower room habang si Aries naman ay tahimik lang na nakaupo sa sulok, nakatalukbong ng tuwalya ang likod niya at umiinom siya ng beer na nasa bote.

Lumapit naman sa akin si Daren at inakbayan ako. "Selfie." aniya. Nag-pose naman ako ng peace sign at bahagyang ngumiti. Kailangan kong aliwin ang sarili ko ng hindi ko naaalala ang mga nakita ko kanina.

Pagod na pagod kaming lahat pag-uwi ng Lagdameo Ranch. Kinain namin yung mga tirang pagkain pagtapos ay nagsitulog na kami. And as usual, hindi na naman ako nakatulog agad kasi bumabalik sa ala-ala ko yung mga nakita ko kanina, kung paano naglapat ang labi nilang dalawa habang nakayakap sa leeg ni Aries ang mga kamay ni Georgina. Parang bigla na naman tuloy bumigat ang pakiramdam ko.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon