Ika-25 Kabanata

40.7K 703 87
                                    

SPG: Medyo.

----------

Pinunasan ko ang luha ko at pinulot ang nabitawan kong scrapbook. Pinilit kong tumayo dahil baka makita pa ako ni Aries.

"Aika?"

Pero muli akong nanghina ng marinig ko ang boses niya na tinawag ang pangalan ko.

Shit! Nakita na niya 'ko.

Nagkunwari akong hindi ko siya narinig, iniyuko ko pa ang mukha ko at pinilig sa ibang direksyon.

"Aika. What are you doing here?"

Tutulungan sana akong itayo ni Aries pero tinabig ko ang kamay niya.

Pagtayo ko ay nagmamadali akong tumakbo habang humahagulgol. Palapit na ako sa elevator ng biglang mahawakan ni Aries ang kamay ko at hinila yon dahilan para mapaharap ako sa kanya.

Kitang-kita sa mukha ni Aries ang gulat ng makita niya ang itsura ko. Nakaawang ang bibig niya habang nakatingin siya sa mukha kong bakas ang pagkasawi.

"Hey, what the-why are you crying?"

Lalo akong napaiyak ng maramdaman ko ang mainit niyang kamay, hinawakan niya kasi ang magkabila kong pisngi.

"Sshhh...what's wrong?"

Nagbaba ako tingin, habang pinipigilan ang pag-iyak. "Aries, okay lang ako. Puntahan mo na si Shelly, she needs you more. Alam ko na."

"You know what? Aika, please look at me. Talk to me."

Humihikbi akong nag-angat ng ulo at sa abot ng makakaya ko ay pinakatitigan ko siya.

"Magiging tatay ka na ng anak niya." Pumiyok pa'ko ng sabihin yon.

"What?" Ngumiti siya kasunod ng paghapit niya sa baywang ko at isinandal niya ako sa pader na sobrang nagpalakas ng kalabog sa dibdib ko.

Itinukod niya ang isa niyang kamay sa pader at seryoso siyang nakatingin sa'kin gamit ang mga nangungusap niyang mga mata.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng gamitin ni Aries ang isa niyang kamay para punasan ang dumaloy na luha sa pisngi ko.

"Paano ako magiging tatay, Aika? Wala pa namang nangyayari sa'tin, diba?"

Napalunok ako sa sinabi niya at nag-init ang pa ang pisngi ko, lalo na ng inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"I-I was talking about, Shelly. D-Diba buntis siya at ikaw ang ama?"

Yumuko siya at narinig ko ang impit niyang pagtawa 'tsaka siya muling nag-angat ng ulo at seryoso akong pinakatitigan.

"I'm not the father of her child at kung magiging tatay man ako. Gusto ko, sa anak mo. I wan't you to bare my child, Aika. Ikaw lang ang gusto kong buntisin." kasunod ng pagkagat niya ng kanyang ibabang labi at pagbaba ng kanyang tingin sa labi ko.

Natameme naman ako sa sinabi niya at naiiyak na hinaplos ang pisngi niya. Am I dreaming?

"Totoo ba yung naririnig ko o niloloko mo na naman ako, Aries?"

Hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon 'tsaka niya ako nginitian. Ngiting unti-unting gumagamot sa kanina lang ay sugatan kong puso.

"No, babe. I'm not kidding, Aika-"

Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi ni Aries para hindi niya maituloy ang sasabihin niya.

"I'm here because I wanted to tell you, that I still love you and I don't care if you don't love me anymore."

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon