Ika-28 Kabanata

40.5K 598 55
                                    

Pagkatapos kong maligo ay naalala kong wala pala akong dalang susuotin kaya lumabas ako sa bathroom ng nakatapis lang ng tuwalya. Nakita ko naman si Aries na tinitignan ang mga pictures na nakadikit sa wall ko.

"Maligo ka na." sabi ko sa kanya.

"Ang konti naman ng pictures ko dito." Tila nagrereklamo niyang sabi habang hindi niya inaalis ang tingin sa mga pictures na nasa wall.

"Nalagay ko na kasi yung iba sa scrapbook na binigay ko sayo."

"Then, print more. Oh! Wag na pala. Hindi ka na naman na magtatagal dito sa condo mo." Nilingon niya ako at nginitian ng nakakaloko.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Pinagsasasabi mo dyan?"

"Because before this year end. I will surely make you move in to my house. Pinagawa ko ang bahay na yon, hindi lang para sa'kin, Aika. Para yon sa future family ko. And because you're my future wife. You gotta have to move in there, and let's make our family."

Tinawanan ko lang siya sa mga pinagsasabi niya at binato siya ng tuwalya.

"Maligo ka na nga!"

"Yes, boss." Nag salute pa sa'kin ang loko bago ito pumasok sa banyo.

Habang naliligo si Aries ay nagmamadali naman akong nagbihis ng pantulog ko. Napaisip pa nga ako kung ano nga pala ang isusuot niya? Wala naman siyang damit na dala.

Pagkatapos kong magbihis ay nagutom naman ako, kaya nagluto ako ng nuggets at fried chicken. Nagsasangag na ako ng kanin ng bigla kong maramdaman ang yakap ni Aries mula sa likod ko. Ipinatong niya pa ang ulo niya sa balikat ko, ang bango-bango niya. Amoy na amoy ko ang body wash ko sa kanya.

"Kumakain ka parin pala ng nuggets?"

"Oo naman. Bakit bawal na ba?"

"Hindi naman. It's just that, most of the kids love it. Akala ko bata nalang ang kumakain n'yan."

"Akala mo lang. Magbihis ka na nga dun, 'tsaka tumutulo yung buhok mo sa'kin."

Tinanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin, ako naman ay pinatay na ang stove. Masyado akong nade-destruct sa presensya niya at baka masunog pa 'tong niluluto ko.

Pagharap ko sa kanya ay nanlaki ang mga mata ko ng tumambad ulit sa'kin ang half naked na katawan ni Aries, but this time. Nakatapis lang ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya. Habang winiwisik-wisik naman niya ang kanyang buhok.

Napalunok ako ng pasadahan ko ng tingin ang matipuno niyang dibdib at abs, maganda parin ang hubog ng kanyang v-line. Kahanga-hanga talaga ang katawan niya.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko ng maalala kong hinawakan ko nga pala ang mga yon kanina.

"Tapos ka na, babe?" Nakangiting sabi ni Aries habang nakapamaywang at nakatingin sa'kin.

Lalong nag-init ang pisngi ko dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Well, kahit inosente naman talaga ay hindi maiiwasang mapatingin sa mala adonis niyang katawan.

"I don't have anything to wear. Can I use your dryer? Don't worry, I already wash my clothes."

"Naglaba ka?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Oo."

"Marunong ka?"

Ngumisi siya. "Oo naman. When I was in L.A I've learned many things, people there are independent."

"Ordinary people, Aries. You're not ordinary. You're a heir, you're rich. Pinanganak na may gintong kutsara."

"Well, you're right, but still we're same classes of human. And besides, I wanna learn many things. Anyway, can I barrow a robe, your place is too cold."

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon