Chapter 27 part 2

Start from the beginning
                                    




"Fake? Who told you young lady?" Nakakunot ang noong tanong ni Gabriel.




"Martina, please leave us first. Mukhang may importante kaming pag-uusapan ng papa." Pang-iiba ni Dale Rafael sa usapan. Napansin niya rin na hindi gusto ng kanyang ama ang presensiya ng babae. 




"Hija, hindi ko alam kung saan mo nakuha ang impormasyon mo na fake ang kasal nina Dale Rafael at Ellie." Umiiling na sabi ni Gabriel bago muling nagpatuloy. "Kami mismo ng asawa ko ang nagfile ng marriage certificate nila." Nakangiti nitong baling sa anak. 




Hindi makapaniwala si Martina sa narinig. Nagmamadali niyang iniwan ang mag-ama dahil nagmukha siyang tanga sa harapan ng mga ito. Pinaniwala siya ni Dale Rafael na fake ang kasal nito. 




Nakahinga ng maluwag si Dale Rafael ng makalabas si Martina ngunit hindi pa rin siya makapaniwala sa huling sinabi ng ama. "Papa, ang ibig ninyong sabihin..."




"Yes, dahil sa simula pa lamang ay alam na namin ng iyong mama ang plano mo at hindi naman namin mapapayagan na madehado si Ellie." 




Hindi maipaliwanag ni Dale Rafael ang nararamdaman ng mga sandaling yun. Pero isa lamang ang natitiyak niya na masaya siya sa narinig na katotohanan dahil ang ibig sabihin nito ay may karapatan siya sa mag-ina niya. At ngayon ay may mga plano ng naglalaro sa isipan niya.




"Papa, ano nga pala ang pag-uusapan natin?" Biglang naalala ni Dale Rafael ang sadya ng ama.




"Alam mo ba kung nasaan ang asawa mo?" Simula ni Gabriel habang palakad sa gitna ng opisina ng anak.




Napabuntong hininga si Dale Rafael walang kaalam alam ang kanyang mga magulang sa kasalukuyan niyang problema. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila bago muling nagsalita si Gabriel.




"Your wife is in the hospital right now."




"What happened to her? Kausap ko lang siya kahapon." Natatarantang sabi ni Dale Rafael. Kahapon ng magkita sila sa isang coffee shop ay hindi niya napansin na may dinaramdam ito.




"Hindi malinaw sa akin ang kalagayan ng asawa mo at ng magiging anak ninyo pero ang alam ko ay delikado ang sitwasyon ng mag-ina mo. You have to talk to Venice, she one of her attending physicians."




Nanghihinang napaupo si Dale Rafael at mariing ipinikit ang mga mata. Pakiramdam niya ay may mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib ng mga sandaling yun.




"I want to see her. Saang hospital siya nakaadmit?" Naisip niya na ngayon siya higit na kailangan ni Ellie.




Umiiling na tinitigan ni Gabriel ang anak. "Ang mahigpit na pakiusap sa amin ni Luisa ay huwag ipaalam sa'yo ang kalagayan ni Ellie."




"Damn! Bakit ayaw nilang ipaalam sa akin? Asawa ko siya at karapatan kong malaman ang kalagayan ni Ellie."




"Masyado mong nasaktan si Ellie hijo, makakabuti kung huwag mo muna siyang lalapitan dahil baka makasama pa sa kanya."




"Makikiusap ako sa pamilya niya, kahit hindi niya ako kausapin basta makita ko lang siya at masiguro ang kaligtasan nila."




"Hijo, naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon at umaasa rin kami ng iyong mama na magiging maayos kayo ni Ellie hindi dahil sa magiging anak ninyo kundi dahil mahal ninyo ang isa't -isa." Seryosong turan ni Gabriel.




Nang marinig ang sinabi ng ama ay muling nalungkot si Dale Rafael. Nasisiguro niya sa kanyang sarili na mahal niya si Ellie pero hindi niya alam kung may katugon ba ang damdamin niya para rito.


_____________

A.N.

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

Thank you guys ^ ^

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now