Chapter 24 part 2

Magsimula sa umpisa
                                    




"Anong problema kung magkaibigan ang pamilya nila?" Balewalang tanong ni Trisha.




"Trish, kapag nalaman ni Venice ang kalagayan ko siguradong ipapaalam niya ito kay Dale Rafael at ang pinaka worst ay baka malaman din ito ng mag-asawang Monteverde. Siguradong makikialam na naman sila."




"Dapat lang na makialam sila dahil ang anak nila ang may kagagawan kung bakit nasa delikado kang sitwasyon ngayon." Nakasimangot na sabi ni Trisha. Nag-aalala rin siya sa sitwasyon ng kaibigan kaya naman ginagawa rin niya ang makakaya para makatulong dito.




"Ayoko ng magkaroon ng ugnayan sa kanila." Mariing turan ni Ellie.




"Bahala ka, it's your decision but I hope you'll consider my suggestion about Dra. Dela Vega." Pangungulit ni Trisha.




"I'll think about it." Sabi na lamang ni Ellie para tigilan na siya ng kaibigan.




Ilang minuto pa silang nagkuwentuhan bago dumating ang sundo ni Trisha.




"Nandito pala ang pinakamagandang buntis." Nakangiting bati ni Tyron kay Ellie.




"Naku tigilan mo nga ako Tyron." Saway ni Ellie sa binata. Nang gabing niyaya siya nito na magdinner ay nagkaliwanagan na sila na hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito.




"Bakit ba ang tagal mo? Sinabi ko naman sa'yo na hindi puwedeng magtagal si Ellie." Paninita ni Trisha sa pinsan.




"Natagalan ang meeting ko kamahalan kaya po late ako. Tingnan mo itong kaibigan mo Ellie, siya na lang ang humihingi ng pabor siya pa ang demanding." Tila batang sumbong ni Tyron.




Nagtatakang napatingin si Ellie sa kaibigan ng hindi ito kumikibo. "Trish, what's wrong?"




"Si Dale Rafael paparating at may kasamang babae." Mahinang turan ni Trisha.




Nang lingunin ni Ellie ang direksiyon na tinitingnan ng kaibigan ay napasinghap siya. Nakaramdam siya kakaibang kirot habang tinitingnan ang dalawa na masayang nag-uusap.




Agad namang naintindihan ni Tyron ang sitwasyon. "Don't mind them but if you still love your husband fight for him." Seryoso itong nakamata kay Ellie.




"Tyron, wala kang alam sa mga nangyayari. Hindi dapat si Ellie ang maghabol sa walang hiyang lalaking iyan dahil mula sa simula walang ginawa iyan kundi saktan ang kaibigan ko." Mabilis na paliwanag ni Trisha.




"Trish, let's go." Gusto ni Ellie na agad ng makaalis sa lugar na yun hindi niya kayang tagalan ang nakikitang paglalampungan ng dalawa.




"Wait" Pigil ni Tyron sa dalawang babae. "Maybe I could help you."




Napakunot ang noo ni Ellie, hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Tyron.




"I just need your cooperation then let me handle the situation." Pagpapatuloy ni Tyron habang seryoso itong nakatingin kay Ellie. Noong una ang plano talaga niya ay ligawan ang babae ngunit ng makausap niya ito ay naunawaan niya na hindi nito kayang tugunan ang damdamin niya para rito.




"What do you mean?" Hindi na nakatiis na tanong ni Trisha.




"Just watch." Kinindatan pa nito ang pinsan sabay akbay kay Ellie. "So...let's go." Medyo nilakasan ni Tyron ang boses para maagaw ang atensiyon ng ibang taong naroroon.




Napalingon si Dale Rafael sa kabilang mesa at napatiim bagang siya ng makita ang asawa sa kabilang mesa. Nagmamadali siyang tumayo para lapitan ito.




"Bitiwan mo ang asawa ko!" Galit na galit na tinabig ni Dale Rafael ang kamay ni Tyron na nakaakbay kay Ellie.




Mabilis namang nahila ni Trisha si Ellie palabas ng coffee shop. Bahala na ang pinsan niya ang humarap kay Dale Rafael.

___________________

A.N.

Sorry guys ngayon lang ako nakapag UD medyo may pinagdaanan lang ako last week :D 

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^ Thank you 



Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon