Chapter 19: Oh no!

Start from the beginning
                                    

"Are you okay?" may pag-aalalang tanong niya. Agad kong pinasigla ulit ang mukha ko at saka ngumiti rito.

"Yeah, naalala ko lang ang parents ko." tugon ko. Tumango lang siya at saka itinuon ulit ang atensyon kay vivian.

Sumunod na pinasalamatan nito ang kanyang ate at mga pinsan niya. Ikwenento niya ang mga unforgettable moments nilang magpipinsan at kung paano sila magtulungan sa tuwing may problema ang bawat isa. Isa-isa naman nilang niyakap si vivian. Hay! Ang sarap lang nilang panoorin.

At ang panghuli niyang pinasalamatan ay walang iba kundi ako. Sinindihan na niya ang huling natira na kandila at saka tumingin sa akin.

"The last person I wanna thank for is my bestfriend, my partner in crime, my other half, my wannabe twin, my role model, my starbucks buddy!" natawa ako sa huling binanggit niya.

"You know... You have a big part in my life. Honestly, I can't live without you! There are many things that I wanna thank you for na hindi ko pa nasasabi sa'yo. Sasamantalahin ko na itong gabing ito para magpasalamat sa'yo." naglandas na ang mga luha niya, maging ako ay hindi na rin mapigil ang pag-ulap ng aking mga mata.

"Thank you for being there for me when I call you and need someone to just listen.Thank you for late-night conversations." pag-uumpisa nito at inalis muna ang kanyang maskara at nagpunas ng luha sa kanyang pisngi. Inabutan naman ako ni gab ng panyo ng makita ang nangingilid ang mga luha ko.

"Thank you for respecting my values and opinions, even if you disagree...Thank you for bringing me into your family and thank you for loving my family like you love your own..."

"Thank you for being brave enough to let me in and be vulnerable to me. Thank you for fighting all of life's battles by my side. I promise na hindi ako mawawala sa mga oras na kailangan mo ng karamay sa mga problema mo best. I'm always here for you no matter what." dahil sa sinabi niya ay lalo akong napahikbi. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko. Naramdaman ko ang paghagod ni gab sa likuran ko tanda ng pagcocomfort sa akin.

Nagpatuloy pa si Vivian. "Thank you for defending me. Thank you for reminding me to stay true to myself." naalala ko noong nasa elementary kami, lagi siyang nabubully at parang walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil masyado siyang aloof. Pero ako, hindi ako naghesitate na ipagtanggol siya sa mga nang-aaway sa kanya at nakipagkaibigan ako sa kanya. Mula noon, nagkaroon na siya ng confident sa sarili at kailanman ay hindi na nagpapa-api.

"Thank you for your sharing your secrets with me. Thank you for sharing your life with me. Thank you for the eight years of friendship! I love you so much besty!" pagtatapos nito. Hindi ko na napigilang sugurin siya ng yakap. Hindi ko na napigilang napahagulgol sa mga balikat niya.

Ilang minuto pa pagkatapos ng candle lighting ceremony ay ang dance number na kung saan isasayaw si vivian ng kanyang daddy at pagkatapos ay pwede na siyang isayaw ng iba pa niyang mga pinsan.

Naging dim light ang paligid at  nagmukhang romantiko dahil sa ilaw na nagmumula sa mga kandilang nakapalibot sa lugar at isama pa ang pagtugtog ng violin ng isa sa mga pinsan nila na si Kuya Rue.

Matapos ang dance number nila vivian ay pwede na ring sumayaw ang ibang magpartner sa dance floor. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng violin ni kuya rue. Pinatugtog niya ang 'Love me like you do' ni Ellie Goulding. Napakasarap pakinggan.

Napapitlag ako ng magsalita si gab na nakalimutan kong nasa tabi ko pala at maang nakatitig sa akin.

"Care to dance?" anyaya niya habang nakalahad ang kanyang palad. Nakakaakit talaga ang mga mata niya. Para akong nahipnotismo sa pagkakatitig niya. Namalayan ko na lang ang sarili kong nagpapatianod na sa kanya papuntang dance floor.

Nakita ko si Vivian na mapanuksong nakangiti at nakatingin sa amin nang ilagay na ni gab ang mga kamay ko sa ibabaw ng balikat niya at para akong nakaramdam ng kaunting kiliti ng ilagay na rin niya ang mga kamay niya sa aking bewang at saka ako hinapit papalapit sa kanya. Napakalapit namin ngayon sa isa't-isa at ilang pulgada lang ang agwat ng aming mga mukha kaya naamoy ko pa ang kanyang mabangong hininga. Napatingin ako sa mga labi niya. Ugh! Parang kay sarap halikan! Nakita kong nahuli niya akong nakatingin sa labi niya kaya agad akong umiwas ng tingin. Naramdaman kong nag-init na naman ang mga pisngi ko.

"I like it when you're blushing." aniya sa pagitan ng aming pagsayaw.

"H-ha? B-bakit naman?" nauutal na tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung saan ipapaling ang mukha ko. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Because... it makes you cute!" mabilis na tugon niya. Napalabi na lang ako sa sinabi niya.

Cute? Ayoko ng cute gusto ko beautiful!

"Can I ask you a question?" kapagkuwan ay tanong niya.

"Ano 'yun?" kinakabahang tanong ko.

"D-do you have a boyfriend?" tanong niya na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Napatungo ako saka ko siya sinagot. "W-wala..." tugon ko. Nang magtaas ako ng mukha ay nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya. Matagal bago siya nakasagot.

"That's good... Bata ka pa naman eh. Mag-aral ka muna ng mabuti huwag ka munang makipagboyfriend." anas niya. Tumango na lang ako.

Ouch! Akala ko pa naman...

"Upo na tayo, pagod na ako eh." yaya ko rito. Parang bigla kasi ulit ako nahilo eh. Nakalimutan kong buntis pala ako.

"Sige." sagot niya saka ako inalalayang bumalik na sa table namin.


Matapos ang party ay nagpaalam na ako sa mga parents at pinsan nila Vivian. Wala akong dalang sasakyan kaya ihahatid na lang ako ulit ni gab sa bahay namin.

Nauna na akong lumabas ng bahay nila vivian at hintayin nalang si gab sa labas dahil magpapaalam pa ito sa mga pinsan, maging si vivian ay hindi na ako maihatid sa labas dahil abala pa ito sa mga bisitang naiwan roon.

Walang tao sa labas ng lumabas ako kaya medyo nakaramdam ako ng takot. Napapitlag ako ng may napansin akong isang bulto na nakakubli sa pader!

Unti-unting siyang lumapit sa akin. Nakamaong jeans ito at nakajacket ng may hood kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito. Nais kong tumakbo palayo rito pero parang napako na ang mga paa kong ayaw ng gumalaw!

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay saka ko lang siya tuluyang nakilala.

"Jen?" hindi makapaniwalang turan ko.

Ngumiti ito ng mapakla. "Miss me?" saad niya bago ako tuluyang sugurin.

One Wicked Night | ✔️Where stories live. Discover now