Chapter 12: Fiesta

14.5K 503 34
                                    

Fiesta

"Wear this!" Nakangiting utos ni mama habang hawak ang isa sa mga dress ko.

"No mom. Ayokong mag dress." Reklamo ko naman dahil hindi talaga ako mahilig magsuot ng dress. Si mama lang naman ang bumibili ng mga ito. Hindi ko naman sinusuot kaya sayang lang.

"Pero dalaga kana. Mag i-18 ka na. Dios mio! Dapat marunong ka nang mag-ayos sa sarili."

Sinimangutan ko lang siya at kinuha ang pantalon sa kabinet ko.  "Grabe ka ma. Marunong naman ako mag ayos. At saka itong pantalon ang isusuot ko, ayoko nga mag dress. Amusement park kaya ang pupuntahan ko. Baka naman masilipan ako pag yan ang sinuot ko."

"Ewan ko sayong bata ka. Andami kong biniling dress sayo, hindi mo naman ginagamit. O sige, pupunta na ako sa kusina." Paalam nito.

"Sige ma." Paalam ko ng lumabas siya sa kwarto. Ang alam kasi ni mama, si Anika ang kasama ko. Kaya siguro siya na-excite ay dahil ngayon lang ako mamamasyal tuwing fiesta. I'm that typ eof teenager that prefers staying at home than going out with friends, so upon learning that I'm going to attend the fiesta, my mother probably got too excited.

Changing my clothes into jeans, t-shirt and sneakers, I stared at my reflection in the mirror. I can't think of a good style for my hair. Baka nga hindi lang talaga ako marunong mag-ayos.

So, I ended up putting my hair into a messy bun. Naglagay nalang ako ng lipgloss and eyeliner. I left my room when I was contented with my look but not forgetting my purse with my phone and money in it.

"Ma, alis nako!" Sagaw ko.

"Sige, nak! Enjoy!"

I heard my phone beep and saw a message form Dave.

Dave: Susunduin na kita.

Me: No. Hintayin mo nalang ako sa labas ng subdivision namin.

Dave: Okay!

After 5 minutes ng paglalakad, nakita ko na ang kotse ni Dave na nakaparada sa may kanto.

Lumabas siya ng sasakyan at nginitian ako.

"Wow! You look pretty." He exclaimed, looking at me.

"Thank you. Ang gwapo mo din naman." I smiled, hiding the blush on my face. I'm only wearing a simple jeans and shirt but I looked pretty for him. That's kind of overwhelming.

"Really? Gwapo ako para sayo?" Hindi makapaniwalang tanong niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Pumasok na ako at hinintay na makasakay din siya.

"Psh! Ang gwapo mo kaya nung high school pa." Tatatawang sagot ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagpapaandar ng sasakyan sa sinabi.

"What do you mean nung high school pa?"

Oh sh*t! Curse myself and my stupid mouth!

"Ah, wala! Kasi nga school mates tayo diba?" Pagpapalusot ko.

"So does it mean na napapansin mo ako nung high school? Akala ko kasi hindi mo ako kilala."

Siya hindi ko kilala? Ha! I just gave him an 'are you kidding me look'.

"Duh! Kilalang kilala kita noh. Lagi kaya kitang ini-stalk noon." Natatawang sabi ko pero bigla akong napatigil nang marealize ko kung anong sinabi ko.

"So you were stalking me?" Hindi maka paniwalang tanong ni Dave.

"Ye—no!"

Bigla naman siyang natawa ng malakas habang ako kulang nalang lamunin ng lupa. What a way of embarrassing myself in front of my crush.

HUNTER ✔Where stories live. Discover now