Chapter 2: Going home late

30.7K 918 45
                                    

Going Home Late

Siguro mukha akong na-rape sa paningin ng ibang tao habang naglalakad ako sa kalsada papuntang school. Walking distance lang din kasi ang school namin sa subdivision na tinitirhan namin ni mama. Tiningnan ko nalang ng masama yung mga drivers na nakatingin sakin pati na rin yung ibang dumadaan. Hindi ko naman sila masisisi. Hindi araw-araw nakakakita sila ng isang college student na mukhang zombie-ng naglalakad sa kalsada at mukhang na-rape. 

Pano naman kasi, mali-late na ako nagising kanina. Hindi nag-alarm yung clock ko kasi nakalimutan ko yatang i-set kagabi dahil sa sobrang takot ko doon sa silver eyes na nakita ko kagabi. Nakalimutan ko na nga rin suklayin yung buhok ko sa sobrang pagmamadali. Pinagalitan pa nga ako ni mama kasi hindi na ako kumain ng breakfast. 

Oras-oras nagigising ako kagabi dahil napapanaginipan ko na hinahabol daw ako ng mga matang iyon. Nagtayuan tuloy ang mga balahibo ko habang iniisip ko iyon. Dahil sa mga matang iyon, hanggang ngayon inaanok pa ako.Napabuntong hininga ako nang wala pa ang teacher namin. Tiningnan ko ang suot kong relo at may five minutes pa bago mag start ang klase. Bakit parang may-naiba? Tanong ko sa sarili ko. 

Kompleto na kasi ang klase at kadalasan kalahati sa kanila ay late pumapasok. Ang aga naman yata nila ngayon. Tapos lahat sila ay busy sa pagshi-shismisan. Yung mga babae, kulang nalang tumalon sila sa kinauupuan nila habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nila. Ano kayang meron ngayon?

"Bestyyy!" Siaw ni Anika at iwinagayway pa ang mga kamay niya sa ere. 

Linapag ko muna iyong bag ko sa usual seat ko at saka lumapit sa kanya.

"Wag mo nga akong tawaging besty. Ang cheesy lang kasi." Reklamo ko at umupo sa empty seat sa tabi niya.

"Ky, alam mo na ba? ha? Omg!" Exaggerated na sabi nito at hinawakan pa ang balikat ko.

"Hindi ko alam. Ano ba kasi iyon?"

"Hindi mo ba napansin. Wala pa si Ma'am."

"Pansin ko nga. Bakit? Wala tayong klase? Buti naman. Inaantok pa ako eh. May oras pa ako para matulog."  Sagot ko at pinatong ang ulo sa mesa para matulog. Pero syempre, Anika being Anika hindi mabubuo ang araw niya hanggat hindi niya ako kinukwentuhan nang mga bagong tsismis kaya ayun at niyugyug yung balikat ko. Napa-angat ang ulo ko sa mesa at tinignan siya ng masama.

"Bakit? Ano nga kasi iyon?" Naiiritang tanong ko.

"Haven't you heard the news?"

"What is it? It's not like I care anyway."

Inirapan lang ako ni Anika at tinuloy ang sasabihin niya. "I don't care if you don't care, Kyra. But what I'm excited about together with our classmates is the fact that there is a bunch of hot transferees in our school. Can you imagine that? Finally, this is what I've been waiting for! New faces!"

Tinignan ko lang siya with the, "are you kidding me look?" Kaya naman pala maaga palang ay kumpleto na ang klase. Especially girls. Hindi ko nga alam na may transferees pala. Ang bilis naman nila makakalap ng balita.

"Wala akong paki-alam, Anika. Ang gusto ko lang ngayon ay matulog. At saka ano naman connection ng mga transferees na iyon at hanggang ngayon wala parin si maam?"

"Sinundo yata niya sila sa office...?" Nag-aalangang sagot nito.

"Sinundo? Sino ba sila? Masyado naman silang pa-VIP. Pwede namang dumiretsyo nalang sila sa klase." Ngayon palang naiinis na ako sa kanila. Siguro mayayaman iyong mga iyon at kailangan pa silang sunduin at i-assist.

"And you know what? Nalaman ko kila Cloey na tatlo lang pala sila at iyong isa sa kanila ay sobrang gwapo. Yung feeling na mapapanganga ka nalang sa pagka-star struck." Anika exclaimed excitedly.

HUNTER ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon