Chapter 19 part 2

Start from the beginning
                                    




Matagal na katahimikan ang bumalot sa loob ng study room.




"Papa, babayaran ko ang loan ninyo sa Monteverde Bank." Si Luisa na ang unang nagsalita.




"Anak, updated ang monthly payment ko sa bangko. Don't worry about that loan kayang kaya kong bayaran ito."




"Basta I'll pay the 7 million pesos plus the interest para matahimik si Ellie." Pamimilit ni Luisa sa ama.




"Wait...ano ang kinalaman ng loan ko dito?" Naguguluhang tanong ni Edgardo.




"Nang dahil sa loan na yan kaya nagkanda leche leche ang buhay nitong si Ellie." Tumayo si Luisa sa kinauupuan at dumungaw sa bintana. Kanina pa siya nagpipigil ng galit.




"Papa, hindi totong nagmamahalan kami ni Dale Rafael kaya nagpakasal. Actually I was the one who insisted him to marry me because I want to please you. Alam ko na magiging masaya ka kapag nakita mo akong ikinakasal kaya nakipagkita ako sa mga magulang niya." Pinipigilan ni Ellie na hindi maiyak habang nagsasalita.




"Nalaman ko na hindi niya kayang suwayin ang mga magulang niya kaya sila ang hiningian ko ng tulong para maikasal ako sa kanya." Patuloy ni Ellie.




"Hindi mo dapat ginawa yun. Pinababa mo ang sarili mo sa harapan ng lalaking yun." Nang dahil sa galit ay naipukpok ni Edgardo ang isang kamay sa mesa.




"I don't want you worrying about me." Mahinang usal ni Ellie.



"Kung ayaw mong nag-aalala ako, bakit ngayon napagdesisyunan mo ng hiwalayan ang lalaking yun?" Walang kangiti ngiting muling tanong ni Edgardo. Kapag nalaman lamang niya na pinagbuhatan ni Dale Rafael ng kamay ang anak ay talagan susugurin niya ito. Wala siyang pakialam kahit isa ang pamilya nito sa pinakamayaman sa bansa.




"Natatakot ako sa sarili ko papa. Habang kaya ko pang kontrolin ang nararamdaman ko sa kanya ay makakabuting lumayo na ako dahil alam ko sa bandang huli lalo lang akong masasaktan."




"Iyan ang hindi ko maintindihan sa'yo Ellie." Hinarap ni Luisa ang kapatid. "Minahal mo pa ang lalaking yun samantalang ginusto niyang patayin ang anak ninyo." Nanlulumo siya habang pinagmamasdan ang kapatid.




"What do you mean Luisa?" Gulat na gulat si Edgardo sa narinig.




Mismong si Ellie na ang nagsabi sa ama tungkol sa pinapagawa sa kanya ni Dale Rafael noong nalaman nitong buntis siya.




Nang mapakinggan ang kuwento ng anak ay galit na galit si Edgardo. "Magmula ngayong mga sandaling ito kalimutan mo ang walang hiyang lalaking yun. Nagkakaintindihan ba tayo Ellie?"




Marahang tango lamang ang sagot ni Ellie.




" Hindi ko mapapayagan na makalapit siya sa'yo. Gagawa ako ng paraan para mabayaran ko ang lahat ng utang ko sa lalong madaling panahon." Patuloy ni Edgardo.




"Papa, sabi ko naman sa inyo na ako na ang bahala huwag na ninyong problemahin ang loan na yun." Singit ni Luisa.




"Isa ka pa! Kinunsinti mo ang kapatid mo sa kalokohang ito. Mula sa simula pala alam mo ang lahat."




"Papa, huwag kang magalit kay ate. Pinakiusapan ko lang siya na huwag sabihin sa inyo." Mabilis na paliwanag ni Ellie.




"Tawagan mo ang asawa mo." Utos ni Edgardo kay Luisa.




"Huh? Bakit?"




"Dito ka na magpalipas ng gabi para may makasama ang kapatid mo. Hihiramin ko na rin ang driver mo." Sabay talikod ni Edgardo.




Agad namang hinabol ni Ellie ang ama. "Papa, saan ka pupunta?"




"Kakausapin ko ang magaling na lalaking yun. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya sa'yo."




Wala ng nagawa si Ellie ng nagmamadali ng sumakay ng kotse ang kanyang ama. Alam naman niya na hindi makakausap ng kanyang papa si Dale Rafael dahil siguradong nasa Davao pa rin ito.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now