Chapter Thirty Five: Moment to Remember

Comenzar desde el principio
                                    

Pero bigla ko ring naalala 'yung mga paalala niya tungkol sa pagtingin ko sa ibang lalaki at sa sinabi ni Ethan noon sa pagiging obsessive-compulsive ng personality ni Trojan.

"Sakay."

"H-huh? Saan na—"

Hindi ko na natapos ang pagtatanong ko nang bigla akong hawakan ni Trojan sabay tili nang malakas nang bigla na lang niya akong iangat sa lupa saka niya ako sinakay sa ibabaw ng kabayo niyang si Virus.

Pero mas ikinagulat ko ang biglang pagtawa ni Trojan.

"You'll wake the dead sa sigaw mo, Miss Delos Santos," natutuwang sabi ni Trojan.

Nakahinga ako nang maluwag sa pagtawa niya.

Nawala na siguro sa isip niya 'yung pagkatulala ko kanina, sa isip ko.

Pinanood ko si Trojan na walang kahirap-hirap na sumakay sa ibabaw ng kabayo habang ako naman at biglang napayakap sa baywang niya nang bigla na lang gumalaw ang kabayo na kinasasakyan namin saka ko mariin na ipinikit ang mata ko sa nerbyos.

"Ibaba mo na ako, Trojan! Please!" madiing hiling ko habang maghigpit pa ring nakayakap sa kanya at nakapikit pa rin ang mga mata.

"Mapupunit mo ang damit ko, Eila. Relax and open your eyes. Hindi ka ihuhulog ni Virus."

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko gaya nang inutos niya sabay pigil ng hininga ko nang makita na sobrang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko.

Sa loob ng ilang sandali, wala ni isa sa amin ang nagsalita. Maging ang paligid at huni ng kung ano mang hayop ay bigla na lang tumahimik. Na para bang bigla na lang huminto ang oras nang biglang magtama ang mga mata namin.

"Don't seduce me, honey. I'm determined not to touch you."

Hindi pa nagrerehistro sa isip ko 'yung ibig sabihin ng sinabi ni Trojan nang muli na naman akong napayakap nang sobrang higpit sa kanya nang basta na lang nito hilain ang renda ng kabayo at saka biglang tumakbo ang nakakatakot na hayop na ito.

"Don't you dare close your eyes again. You'll miss the beauty of this place."

Kahit na hindi niya ako nilingon nang sabihin iyon, sinunod ko pa rin ang gusto niya.

At bigla akong napasinghap nang makita ko sa kanan ko ang baybaying dagat ng isla ng Alta Puebo.

Dahil sa kakatapos lang huminto ng ulan, sinalubong ng mabangong amoy ng dahon at iba pang halaman ang ilong ko na mas lalo pang nagpadagdag sa kagandahan ng mga puno sa paligid at ng dagat sa may 'di kalayuan.

"Ang ganda."

"I know. That's why everyone love this place."

Hindi na ako sumagot pa doon sa sinabi niya at hinayaan ko na lang ang sarili ko na magsawa sa napagandang tanawin sa paligid namin.

At dahil sa nakikita ko ngayon, unti-unti nang nawawala ang takot na nararamdaman ko sa sinasakyan naming kabayo at hindi ko mapigilang matuwa sa lugar na ito.

Maganda ang lugar ng exclusive village kung saan nakatayo ang mansyon ni Trojan sa may Quezon. Pero puro bahay naman ang makikita mo doon at mga nagtataasang building na nasa malapit lang. Halos bibihira na lang ang mga authentic na puno sa Manila. Kaya hindi ko maiwasang mapaisip kung nanaginip ba ako dahil sa sobrang ganda ng lugar na ito.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora