Chapter 14 part 2

Start from the beginning
                                    



"That bastard! Napakawalanghiya talaga ng lalaking yun." Medyo napalakas ang boses ni Trisha medyo nakaagaw sila ng atensiyon sa kabilang mesa.





"Ssshh. Lower your voice. Pinagtitinginan tayo." Saway ni Ellie sabay lingon sa mesang malapit sa kanila.





Sumimangot si Trisha, naputol ang sasabihin niya ng dumating ang order nila. "You should eat a lot. Isang lingggo ka pa lang dito pumayat ka na."





Samantalang si Dale Rafael ay kanina pa niya sinusubukang tawagan ang asawa. "What happened to that woman?"  Bulong niya, hindi lamang sampung beses siyang nag dial sa landline at celphone nito pero walang sumasagot. Ngayon siya nagsisisi na wala silang kasambahay.





"Dude, let's go. I'll introduce someone to you. I'm sure you'll like her...damn! She's hot." Sabay kindat ni Oliver sa kaibigan.





Nagulat si Dale Rafael sa pagsulpot ng kaibigan sa kanyang opisina. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito masyado kasing okupado ni Ellie ang isip niya. "I've already talked to Jonathan. Hindi ako makakasama ngayon."





"Yeah, he told me. Actually, he's in the lobby ako na lang ang pinaakyat niya dito para kumbinsihin ka." Pamimilit ni Oliver.





"I can't join you tonight. Walang kasama ang asawa ko sa bahay at..."





"Asawa? You mean you're married man now?" Mabilis na sabad ni Oliver. Hindi siya makapaniwala sa narinig dahil kilala niya ang kaibigan, masyadong mahal nito ang freedom niya. Natatandaan niya na sinabi nito na walang babaeng puwedeng magtali sa kanya.





"Yes" Balewalang tugon ni Dale Rafael, gusto niya natawa sa naging reaksiyon ng kaibigan.





Nang makabawi sa pagkabigla si Oliver ay bigla na lamang itong napahalaklak. "I want to meet your wife to congratulate her." Tatawa tawang sabi nito.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now