Chapter 60

46 1 0
                                    

HINDI ako nagsabi kay Clyde na uuwi kami ngayon ng Pilipinas. Gusto naming surprisahin si Clyde. Didiretso kami sa bahay nito, bago kami uuwi ng mansion.

"Are you sure about this?" tanong ni Eli sa akin.

Hinawakan ko ang mga kamay nito. I know na sobrang nag-alala ito sa pag-uwi namin. She is my only friend here, kaya alam ko ang labis na pag-alala nito.

"Yes, ito na ang tamang panahon. Para umuwi kami sa Pilipinas. Ilang taon din akong nagtago sa ibang bansa. Ngayon ay dapat ko nang bawiin ang pag-aari ko."

Siguro ay wala talaga akong isang salita. But, I love Clyde so much. Kahit anong iwas ko sa kanya ay nahahanap at nahahanap niya ako. Kaya napagod na siguro ako sa kakatago o kakatakbo. Kaya dapat ko ng bawiin kung ano ang akin. Wala na akong pakialam kay Ivy. Clyde didn't love her. I know that. Sa loob ng sampung taon na di kami nagkita o nagkahiwalay ay walang nabago sa nararamdaman ni Clyde para sa akin.

Ramdam ko ang pagmamahal ni Clyde para sa akin. Pwede namang magpakaama si Clyde sa bata, di ko ipagdadamot si Clyde sa anak nito.

"Don't worry, Sheen. Everything will be smooth and okay. Ako na ang bahala sa pagbabalik ninyo ng Pilipinas. I will assure you that you and the kids will be safe," lintaya ni Rey Mart. Nakarating na pala ito.

"Kailan ba kayo uuwi ng Pilipinas?" tanong ko dito.

Napatingin si Eli kay Rey Mart. Alam ko na di pa kayang umuwi ni Eli sa Pilipinas. Naging masalimoot ang karanasan nito sa Pilipinas.

"Soon," tanging sabi nito sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa kamay nito. "Face your fears. Alam ko na natatakot ka, pero nandyan si Rey Mart. Alam ko na handa ka niyang protektahan."

Yumuko ito. "Hindi ganun kadali ang lahat, Sheena. Sobrang trauma ang ibinigay ng Pilipinas sa akin. Kaya nahihirapan akong bumalik sa kung saan ako nagmula."

"I know. Alam ko ang pinagdaanan mo. "Alam ko ang lahat ng Pinagdaanan nito sa Pilipinas noon. Sobrang traumalize naman talaga. Nagkwento kasi ito sa akin, at sa bawat bigkas ng salita nito ay may kaakibat na sakit."

Niyakap ko si Eli. Umiiyak na ito ngayon.

 

Ilang oras nang lumalapag ang eroplano na sinasakyan namin ng mga bata dito sa Pilipinas. Hinihintay na lang namin ang sundo namin.

Napangiti ako, dahil sobrang gwapo ng driver namin ngayon. Pero nasa gilid nito ang sobrang bagot na bagot na babae.

"Bakit ba kasi sumama ako sa iyo." Maktol nito.

"FYI, hindi ko sinabi na sumama ka."

Nagtalo na naman ang dalawa. Kahit kailan, hindi na magkakasundo ang dalawa. Kahit na alam ko ang nakaraan nilang dalawa.

Beatriz Alvarez, roll her eyes on her Ex-husband. Iilan lang kami sa nakakaalam na  mag-asawa dati ang dalawang ito. Pero di naman nagpa-annull, kahit na mapera ang mga ito.

"Sheena," nakangiting tawag ni Beatriz sa akin. Nagbago bigla ang mukha nito ng makita ako.

Beatriz is my childhood friend. Di naman kami close talaga, kahit noon pa.

Hindi ko din alam na magkakilala pala sila ni Clyde.

"Mabuti at umuwi ka na."

"Alam mo naman kung bakit umuwi ako di ba?"

"Yeah, babawiin mo pala ang secret husband mo." Umiling na lang ako.

"Damien," tawag ko dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cruel DesireWhere stories live. Discover now