Chapter 53

16 0 0
                                    

ISANG buwan na mula ng iwanan ko si Clyde. Hindi na talaga ako nakipagkita sa kanya. Nakipagkita akong muli kay Ivy at ibinigay ko na sa kanya ang gusto nito.

Kahit na gusto kong ayusin ang relasyon namin ni Clyde ay di kaya nang konsensya ko na mawalan ng ama ang isang bata. Kaya ako na lang ang bumitaw.

"Ready ka na?" tanong nito sa akin.

Sa loob ng isang buwan ay si Beatriz ang naging sandalan ko. Siya ang naging kasama ko sa hirap na dinanas ko. Hindi madali ang magcope-up, dahil sobra talaga akong nasaktan. Kahit na mahirap ay binitawan ko ang lalaking mahal ko.

"Naibigay mo na ba sa kanya ang annullement paper?" tanong ko kay Beatriz. 

Siya ang inutusan ko na ibigay kay Clyde ang annullment paper, dahil baka di ko kayang iwan si Clyde. I promise to Ivy na iiwan ko si Clyde.

"Oo, naibigay ko na. Aalis na tayo, baka malate tayo sa flight mo." Ngumiti ako. Pero di umabot sa mga mata ko ang ngiti na iyon.

Aalis ako, iiwan ko ang lahat. Alam na nila mommy ang nangyari, alam nila na nagkaroon kami ng relasyon ni Clyde at nagpakasal. Alam din nila na aalis ako ng Pilipinas at doon muna maninirahan sa ibang bansa. They respect my decision.

Mahirap? Oo, sobrang hirap. Dahil alam ko, pagdating ko doon ay kailangan kong mag-adjust sa environment.

"Sige. Halika na," yaya ko kay Beatriz.

Tinulungan niya ako sa mga bagahe ko. Lumabas na kami nang condo nito at nagpunta sa parking lot. Sa ilang buwan kong pananatili sa condo ni Beatriz ay mas nakilala ko itong mabuti, hindi ako iniwan ni Beatriz sa gitna ng pagluluksa ko.

Iniluluksa ko ang pagkawala ng lalaking mahal ko. Alam ko magiging masaya na ito, alam ko na magiging mabuting ama si Clyde sa magiging anak nito.

Nakita namin ni Beatriz ang isang lalaki na sobrang pamilyar na sa akin. Ilang beses na din itong nagpunta sa condo ni Beatriz. I know Damien, he is the husband of Beatriz. Hindi ko naman alam na may asawa na pala si Beatriz. Pero masaya ako, dahil may makakasama na ang bestfriend ko.

"Salamat, Damien." Hinging pasasalamat ko dito.

"Hindi ka na sana nagpunta dito, Damien. Kaya ko naman na ihatid si Sheena sa airport mag-isa!" galit na sambit ni Beatriz sa babae.

Hindi talaga sila in good term, sa tuwing nagkikita sila ay palagi silang nag-aaway. Pero nauuwi naman sa love making. Hindi ko alam kong ano ang klaseng utak meron si Beatriz.

Alam ko ding mahal nito si Damien. Pero masyadong nasaktan si Beatriz ng iwan siya ni Damien sa gitna na sobra niyang kailangan ang lalaki.

"Tama na nga iyang bangayan ninyo. Dahil baka malate na ako," puna ko sa kanilang bangayan.

"Mamaya ka sa akin." Banta ni Beatriz kay Damien.

Ngumisi lang ang huli. "I am scared."

Pumasok na si Beatriz sa loob ng kotse ni Damien.

"Sa harap ka Beatriz. Wag mo akong gawing driver," utos nito kay Beatriz.

"Manigas ka diyan. Hindi ako lilipat," giit nito.

"Okay hindi tayo aalis, at hindi makakaalis si Sheena patungong ibang bansa." Umiling na lang ako.

Ang hilig talaga ni Damien na inisin si Beatriz. Nagpapadyak na bumaba si Beatriz at lumipat sa front seat. Inis nitong isinarado ang pinto ng kotse ni Damien. Nakacross arm ito at galit na nakatingin sa lalaki. Tinawanan lamang ito ni Damien.

The Cruel DesireWhere stories live. Discover now