Chapter 5

86 4 0
                                    

AGAD kong itinulak si Clyde. Napaatras ito pero ilang pulgada lamang, may kumatok kasi. Napaayos ako nang wala sa oras sa aking sarili. Nanlaki ang mga mata ko nang binuksan nito ang kabilang pinto at doon ay lumabas.

Napabuntong-hininga na lang ako. Dapat ko na sigurong iwasan si Clyde, hindi ito maganda.

Napaupo ako sa swevil chair ko at pinapasok ang nasa labas ng pinto ng office ko. Tinignan ko ang tao na iyon, sobrang lamig ang ibinigay kong tingin dito. Di ito nakatingin sa akin.

"Bakit nakayuko ka? Samantala kanina ay sobrang proud ka sa sarili mo na may inaalispusta ka," malamig kong utas dito.

"Kasalanan niya iyon. It isn't my fault," mahina nitong sambit.

"What did she do to you? Para ganunin mo ang bata?" tanong ko dito. Di ito umimik. "You know my rules. I don't tolerate bullying!" sigaw ko sa kanya.

"I am sorry. Di na mauulit." Mahina pa rin ang tinig nito.

"Di na talaga mauulit, dahil I will expell you in 1 week!" final kong sabi dito.

"No, please. Magagalit si daddy ko!" pagmamakaawa nitong wika sa akin.

"No, Joyce. Alam mo kung ano ang patakaran ko. And I will talk Tito about this matter!"

"No, please. Sheena, don't I beg you as you're cousin," maluha-luha nitong sabi sa akin.

"Yes, you are my cousin. But I won't tolerate you! Makakaalis ka na," saad ko dito. Nanatili ang lamig sa aking mga mata. Kung kakaawaan ko siya ay baka umabuso ito.

Tinignan niya ako. Tapos ay tumalikod na ito. Joyce is my cousin on my mother side. Kahit anak siya ng pinsan ni mama ay di ko siya dapat pagbigyan. Dapat ay patas ang tingin ko sa lahat. Ayaw kong may inaabuso at may naabuso.

Sumandal ako sa swevil chair ko at naalala na naman ang tagpo namin kanina ni Clyde. Hindi pwedeng mangyari ulit ang nangyari. Kailangan ko na talaga siyang iwasan.

After this ay graduate na ko nang college, at kukuha ulit ng panibagong course. This time ay Teacher naman, gusto ko kasing magturo. Gusto kong magturo ng mga bata.

Wala namang tutol sila mama at papa doon. Actually, they support me no matter what happen. Tinignan ko ang relo sa bisig ko. Malapit na pala ang uwian. Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko. Lumabas na ako sa office ko at nagtungo sa parking area. Naabutan ko si Clyde na nakasandal sa isang kotse.

Napatingin ito sa akin, nagtama ang aming paningin. Pero agad ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya at nilagpasan ito. Di naman niya ako sinundan. Pero ang tingin nito ay nanunuot sa aking kaluluwa. Para bang gusto niya akong kainin ng buhay.

Sumakay ako sa sasakyan ko at dahil may driver ako ay pinalabas ko na agad sa campus ang sasakyan ko. Nakita ko pa kung paano sundan ni Clyde ng tingin ang aking sasakyan. Naninigarilyo din ito, a typical bad boy.

Sumandal ako sa sandalan ng upuan nang sasakyan ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Dahil di talaga mawala-wala sa isip ko ang nangyari noong gabing iyon. Para bang binabaliw niya ako, sa bawat haplos at halik nito sa aking katawan.

Dumating kami sa bahay na ganun ang iniisip ko. Naabutan ko si mommy sa may sofa at abala sa kakatingin sa isang magazine.

"Nabalitaan ko na sinuspende mo si Joyce?" tanong nito. Aakyat na sana ako, pero hinarap ko ito. Nasa magazine pa rin ang tingin nito.

"Yeah," wala sa sariling turan ko. Pagod ako sa maghapong pag-aaral. Di lang utak ang pagod sa akin. Pati katawan ko.

"Why?" she ask.

The Cruel DesireWhere stories live. Discover now