Chapter 56

12 1 0
                                    

Sheena POV

Ngayong araw ang cremation ni mommy. Noon pa man ay gustong macremate ni mommy. Ayaw nitong mailibing, gusto nito na nasa bahay siya. Kahit ang abo lang niya.

Di ko mapigilan ang umiyak. Ang dami kong  regrets sa buhay. Di ko na nakasama si mommy ng matagal. Akala ko, pag-uwi ko ay makakasama ko pa siya.

Isang matipunong bisig ang yumakap sa akin. Hinayaan ko lamang ito, dahil wala akong lakas na iwaksi iyon. Umiyak lang ako nang umiyak sa kasagsagan ng cremation ni mommy.

Nang matapos na ay ibinigay sa amin ang abo ni mommy. Si Ate Selena ang tumanggap sa abo ni mommy. Dahil di ko kayang hawakan iyon. Di ko kayang tanggapin na wala na ang pinakamamahal ko na ina. Iniwan na niya kami nang tuluyan.

Umuwi na kami, matapos maibigay sa amin ang abo ni mommy. Doon sa may altar namin inilagay, para kahit paano ay kasama namin siya.

"We need a doctor, Sheena. Hindi na biro ang kondisyon ni Daddy," sabi ni Ate Selena sa akin. Nasa hapag kami ngayon ay kasalukuyan na kumakain.

I watch my daddy, naaawa na ako sa kanya. Simula ng mamatay ang mommy ay ganyan na siya. Tulala at di makausap.

"We will, Ate," nakangiti kong sambit sa kanya.

"How about my niece and nephew? Kailan sila darating dito?" tanong nito sa akin.

"Pagkatapos ng klase nila. Baka susunod agad sila. Alam mo naman na tinatapos muna nila ang school nila this year para di maging komplikado ang lahat," sabi ko sa kanya.

"Alam na ba si Clyde na may anak kayo?" tanong nito sa akin.

Bigla akong kinabahan. Di pa kasi alam ni Clyde na may anak kami.

"Wag mong sabihin sa kanya, Ate, please lang. Ayaw kong mawalan ng ama ang anak ni Ivy."

My sister know my reason, why I gave up, Clyde.

"At ang mga pamangkin ko ang kawawa? Hindi ko alam Sheena kung bakit masyado kang mabait," madiin nitong sambit sa kanya.

"Hindi ko naman alam na buntis ako noong umalis ako. Kung alam ko lang ay di sana pinaglaban ko si Clyde. Kaso nakapagbitaw na ako ng isang salita kay Ivy, kaya pinanindigan ko na lang."

"Ewan ko sa iyo, Sheena. Sana ay maayos mo ito, as soon as possible." Di na ako nagsalita.

Di ko din alam kong paano sasabihin kay Clyde na may anak kami. Natatakot ako na baka kunin nito ang mga anak ko.

Dahil nga isa akong guro ay nag-apply ako sa sarili kong paaralan. Habang nililibot ko ang dati kong paaralan ay natuwa ako, dahil maayos ang pamamalakad nito ng bagong student council.

Ilang days akong nag-antay bago matanggap. Kahit na paaralan namin ito ay walang favoritism. Lahat ay pantay-pantay ang tingin namin sa aming guro at estudyante.

"Balita ko nag-apply ka as Teacher sa paaralan ninyo?" tanong ni Airene.

Nasa isang bar kami ngayon. Nagyaya kasi si Airene. Gusto ko ding makawala sa stress.

"Yeah!" sagot ko.

Napatingin kami sa entrance. Kumunot ang noo ko nang makilala ang pumasok.

"Uwi na tayo," yaya ko kay Airene.

"Huh! No, hindi tayo uuwi." Taas kilay nitong sambit sa akin. "Si Ivy lang iyan, Sheena. Wala kang dapat ikatakot," sabi pa nito sa akin.

"I am not afraid of her. Ayaw ko lang ng eskandalo. You know me. Hindi ako tutunga-tunga sa gilid."

The Cruel DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon