Chapter 17

61 4 0
                                    


HINDI ako maperme sa kinauupuan ko. Para akong manok na di mapaitlog.

"What is the meaning sa nakita namin?" tanong ni Airene. Ang iba kong kaibigan ay tahimik lang.

"Wala iyon, nagkataon lang na nakasabay ko siya papasok dito." As long as magdeny ako, walang makakaalam sa sitwasyon namin ni Clyde.

"Don't underestimate us Sheen, what we saw is obvious!"

"Obvious what?" maang-maangan ko pa rin. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Para hindi nila makita sa mga mata ko na nagsisinungaling ako.

"That you two had a relationship. Came on, sheen don't deny it. Hindi kami ipinanganak kahapon."

Osyoso ni Airene and Jen, si Ivy sobrang tahimik. Panay din ang sulyap nito sa kabilang table.

"Okay, I will admit it. He court me, 7 months na." Pag-amin ko sa kanila.

Nagtitili ang dalawa, rinig na rinig ko kahit na mas malakas ang music, kaya napakunot ang noo ni Carlo ng makitang parang nangingisay ang asawa. Tatayo pa sana ito pero napaupo pabalik nang tumigil na ang dalawa.

"What the heck. Really!" sabay-sabay na sambit ni Airene at Jen, habang si Ivy ay panay ang inom ng ladies drinks nito. Tahimik lang ito.

"Yes, plano ko na sana siyang sagutin this coming birthday ko. Pero nagkaroon ng alitan kaming dalawa," tawa kong sabi sa kanila. "But now, okay na kami." Ngumiti ako. Dahil naalala ko na naman ang nangyari sa amin sa sasakyan kani-kanina lang, bago kami nagpunta dito.

"Bakit namumula ka?" tanong ni Airene. Nanliit ang mga mata nito.

"Wala." Deny ko sa kanila.

Nabaling ang tingin ko sa gawin nila Clyde nakatingin din pala sa akin ang lalaki. Iniwas ko na lang ang aking paningin.

Tumayo si Ivy, kumunot ang noo ko nang pumunta ito sa gawi ni Clyde, tumabi ito sa mismong lalaki. Humilig ito sa balikat ni Clyde at panay ang ilag nang huli.

Tumaas ang kilay ko dahil sa ginagawa ni Ivy.

Umiiling na lang si Airene. "Wag mong hayaan na lumapit si Ivy, kay Clyde, hindi maganda iyan," sabi ni Airene sa akin.

Panay ang tingin ko sa gawi nila. Tumayo si Clyde at pumunta sa gawin ko.

Ngumiti ito sa akin at tumabi, agad nitong inilagay sa aking baywang ang braso nito at pinulupot.

"Anong ginagawa ni Ivy doon?" tanong ko.

"I don't know. Kaya lumipat ako, baka maging dragon ka na naman at iwasan ako."

"Mabuti alam mo," sabi ko dito. Napapikit ako ng bigla nitong halikan ang leeg ko.

"OMG!" sigaw ni Airene. "Ang sweet naman," kinikilig nitong sambit. "Makahanap nga ng boylet mamaya."

"Bakit maghahanap ka pa? Nandito naman ako," singit ni Glenn.

Umasim ang mukha ni Airene. "Shut up, hindi ka nakakatuwa."

"Outing tayo, Sheen sa weekend," yaya sa akin ni Jen. "Di ka naman busy siguro n'yan di ba?" tanong nito.

"Hindi naman."

"Banyo lang ako." Paalam sa akin ni Clyde.

Nginitian ko lang ito. Pero hindi lumagpas sa paningin ko ang pagsunod ni Ivy kay Clyde. Napatingin ako kay Airene. Alam ko ang mensahe na nasa mga mata nito.

Tumayo ako at agad na sinundan si Ivy, hindi ko hahayaan na masira nito ang kung ano kami ni Clyde, may Joyce na nga, may Ivy pa? Hindi na ako makakapayag.

The Cruel DesireWhere stories live. Discover now