Chapter 57

4 1 0
                                    

Sheena POV

MATAPOS kong malaman na engaged na sila Clyde at Ivy ay agad kong pinatay ang TV.

Masakit para sa akin ang mga iyon. Dapat hindi ako umasa na may chance pa kaming dalawa ni Clyde. Agad kong pinahiran ang mga luha sa aking mga mata. Dapat ko na talagang kalimutan si Clyde.

Tumunog ang aking Cellphone. Galing iyong kay Eli. Malapit na din palang dumating ang mga anak ko. Sila na lang ang hinuhugutan ko ng lakas ngayon.

"Eli," sagot ko sa kabilang linya.

"How are you?" tanong nito sa akin.

Bigla ay tumulo ang luha ko. I know na alam na nito ang lahat.

"I  am fine." Pumiyok ang boses ko. Di ko napigilan ang sarili ko na humikbi.

"I know that you aren't fine right now. Pero sana isipin mo na may mga anak ka dito."

"How are them?" tanong ko kay Eli.

"May sakit si Clea. Nilalagnat." Nag-alala ako bigla. Lalo na't wala ako sa tabi ng mga anak ko. "Pero okay na siya ngayon. She is a fighter." Alam kong nakangiti ito kagaya ko. "Kaya magpakatatag ka. Wag mo nang masyadong isipin sila."

Papasok na sana ako sa Classroom ng makita ko ang anak ni Ivy sa labas. Kaya nilapitan ko ito. Gaya noong una ay magaan ang loob ko sa bata. Para bang gusto kong maging ina ng batang ito.

"Hello Carl, bakit nandito ka? Pasok ka na," yaya ko sa bata.

Pero umiwas ito nang tingin sa akin. Nakita ko sa mukha ng bata na malungkot ito. Lumuhod ako sa harapan nito, para magpantay kaming dalawa. Ngayon ko lang nakita ang kabuoan ng mukha ng bata. Kahawig nito ang kambal ko.

Bigla ay pumungay ang mga mata ko. Dahil siguro iisa lang sila ng ama.

"What is wrong baby?" Hinawakan ko ang mukha nito.

Suminghot ito. Tanda na malapit na itong umiyak.

"My mom, don't love me. She always angry with me. Palagi niya akong sinasabihan na maging malapit kay Daddy Clyde. But I know, that Daddy Clyde isn't my father."

Nabigla ako sa sinabi ng bata. Akala ko ay mahal na mahal ito ni Ivy, mas lalo akong nagulat sa nalaman. Hindi anak ni Clyde ang batang ito? How come?

"Mabait lang si mommy pag nasa amin si Daddy Clyde. Pag wala…" tumigil ito sa pagsasalita. Nakita kong tumulo ang luha nito. "She always shout at me."

"Did she hurt you physically?" tanong ko dito.

Umiling ito. Nakahinga ako ng maluwag.

"She always, drunk. Lasing palagi si mommy. I am always my nanny." Tumayo ako.

"Come, pasok na tayo. Pag nandito ka sa school. I am your mommy," nakangiti kong turan dito.

"Thank you, Teacher Sheena. Sobrang bait nyo po. Sana ay gaya ninyo si mommy ko," malungkot nitong sabi sa akin.

"Don't worry, pwede mo naman akong maging mommy!" ngiti kong sambit dito.

Pumasok na kami sa classroom ni Carl. Pinaupo ko siya sa upuan niya. Nagsimula na ako magturo sa mga bata.

Ilang oras lang ang binuno namin ay natapos na ang klase namin.

"See you tomorrow, Children!" sigaw ko sa mga bata.

"See you tomorrow, Ma'am!" sigaw nila pabalik sa akin.

Nginitian ko silang lahat. Niligpit ko lahat ng gamit ko at binitbit iyon, inalalayan ko si Carl na lumabas. Nakaabang na pala si Ivy sa labas.

The Cruel DesireWhere stories live. Discover now