Chapter 23

53 3 0
                                    

Isang linggo na mula nang maoperahan ang mga mata ko at ngayon ay tatanggalin na ang benda ng mga mga ko. Excited na akong makakitang muli na miss ko din ang gwapong mukha ni Clyde

Naramdaman ko na hinawakan ni Clyde ang kamay ko at hinahaplos iyon gamit ang hinlalaki nito. Napangiti ako, dahil bawat oras na magkasama kami ay lalo itong naging sweet sa akin. Naramdaman ko din ang pagmamahal nito sa akin. Walang araw na di nito ipinaramdam sa akin na mahal ako nito.

"Hello, good morning." Bati sa amin ng isang panauhin.

"Morning dok."

"Morning Sheena. Ngayon ko na tatanggalin ang benda ng mga mata mo. At ngayon di natin malalaman kung naging successful ba ang operasyon mo talaga."

Tanging tango lang ang isinagot ko. Lumapit sa akin ang doktor at hinawakan ang benda na nasa ulo ko. Nakaupo lang ako sa kama. Naghihintay na maalis lahat nang benda na nasa mga mata ko.

Ilang minuto bago natapos ang doktor sa pag-alis nang benda sa mga mata ko.

"Sige, idilat mo nang unti-unti ang mga mata mo," utos nito sa akin. Agad ko namang ginawa.

Unti-unti ay idinilat ko ang mga mata ko. Una ay sobrang blurr nang nakikita ko. Pero kalaunan ay unti-unting luminaw. Nakikita ko ang liwanag mula sa kwarto ko at agad kong inilibot ang mga mata ko sa paligid.

Masaya ako, dahil sa wakas ay nakakakita na ako.

"Nakakakita na ako dok," Lumuluhang sambit ko sa doktor.

Agad kong nilingon ang lumapit sa akin at yumakap. Tininggala ko si Clyde.

"Mommy," tawag ko kay mommy. Lumuluha kasi itong nakatingin sa akin.

Agad na lumapit si mommy sa akin at niyakap ako. "I am glad na nakakita kita," lumuluhang sambit nito sa akin.

"Yes, mom. Masaya din ako. Nakikita na kita." Di ko mapigilan ang umiyak. Naging emosyonal ako. Dahil sa nangyayari ngayon sa buhay ko.

"Wear this Sheena." Ibinigay sa akin ng doktor ang eyeglasses. "Para maprotektahan nito ang mga mata mo. Hindi pa totally healed ang mga mata mo, at maselan pa ang mga ito." Agad kong isinuot ang eyeglasses.

"Salamat dok." Ngiti kong pasasalamat dito.

Umalis na ang doktor, nilapitan ako ni mommy at niyakap.

"Masaya ako, dahil sa wakas ay nakakakita ka na." Hinahaplos ni mommy ang buhok ko.

"Ako din mom. Makakabalik na din ako sa pag-aaral ko sa wakas." Di ko mapigilan ang lumuha. Kahit na sinasabi ng doktor na di pwede mastress ang mga mata ko ay di ko magawa, dahil ngayong nakakita na ako. Magagawa ko na ang lahat nang gusto ko.

'Ipapahanap kita Ivy, pagbabayarin kita sa lahat nang atraso mo sa amin.' Pangako ko sa aking sarili.

Di ko gusto na gawin ito. Gusto ko lang bigyan nang hustisya ang nangyari sa amin nila Airene.

Nakalabas na ako sa hospital. Dahil gusto ni mommy na magcelebrate kami ay pumunta kami ulit sa resort nila Eli. Sobrang ganda nang resort na ito, di nakakasawang balikan. Kaya dito na lang din ang napili namin.

Sabi nang staff sa amin ay wala si Eli, bumalik daw ito ng London dahil may problema na nangyayari doon at di alam nang mga tauhan nito kung ano iyon. Bigla naman ang pag-alala si Clyde sa kaibigan. Nakita ko iyon sa mga mata at mukha nito. Dahil alam nito kung ano ang pinagdadaanan ng kaibigan nito ngayon.

Nasa sun lounge kami ngayon. Nakahilig ako sa dibdib nito, gabi na rin at masarap ang simoy nang hangin. Hinahaplos nito ang braso ko at hinahalik-halikan ang aking buhok. Napapikit ako, at sobrang lakas nang tibok ng puso ko. Araw-araw ay pinaparamdam nito sa akin ang pagmamahal nito, araw-araw din ay nahuhulog ako nang husto dito.

The Cruel DesireWhere stories live. Discover now