Chapter 19

53 4 0
                                    

 

HINDI ko alam ang gagawin ko. Kung lalapit ba ako kay Clyde at sa lalaki o hahayaan na lang. T'yak na magkakagulo kung di ko aawatin si Clyde.

Masyadong nadadala si Clyde sa bugso ng damdamin nito at alam ko nauubos na ang pasensya ng lalaking kaharap.

"Hayaan mo na si Eli, Rey Mart. Hindi mo naman siya mahal di ba?" tanong ni Clyde kay sa lalaking nag ngangalang Rey Mart.

"Wala ka na doon, sa mahal o hindi ko si Solenn pag-aari ko siya Clyde. Kaya hayaan mo na ayusin ko ito." May bahid na galit sa mukha ng lalaki.

Tumawa si Clyde. "Nagpapatawa ka ba? Paano ko hahayaan si Eli sa iyo, kung puro pasakit lang ang nakukuha niya sa iyo."

Lumabas si Eli sa likuran ni Clyde at hinarap kay Rey Mart.

"Ano pa ba ang kailangan mo Rey Mart?" tanong ni Eli sa lalaki.

"Gusto kong ayusin ang gusot sa pagitan natin Solenn."

Ang kaninang galit na mukha ni Rey Mart ay napalitan ng pagsusumamo. Para bang mahal talaga nito si Eli o Solenn.

"Gusto mong ayusin? Para ano? Saktan akong muli." May luha sumungaw sa mga mata nito na kalaunan ay umagos. "Alam mo ba ang infact nang ginawa mo sa akin? Sobrang sakit. Akala ko talaga totoo ang pinakita mo sa akin. Pero hindi pala," umiiyak nitong sambit sa lalaki. May hinanakit bawat salita nito.

Alam kong masakit ang nangyari sa dalawa, pero sana ay maayos agad nila ang gusot kung ano man sa kanilang relasyon.

 

 

Nasa veranda ako ng kwarto ko dito sa resort ni Eli, di ko pa rin makalimutan ang nangyari kanin. Akala ko talaga may gulo na mangyayari. Buti na lang ay wala. Umalis na kasi ang lalaki pagkatapos ipagtabuyan ni Eli.

 

Napatingin ako sa dalawang taong nag-uusap, kung noon ay nagseselos ako. Ngayon ay awa ang nararamdaman ko para kay Eli. Hindi ko man napagdaanan ang napagdaanan nito, pero ramdam ko ang sakit na idinulot ng asawa nito.

Niyakap ito ni Clyde, at alam ko. Pinapagaan nito ang pakiramdam nito. Pero agad din akong napatayo nang tuwid nang umupo si Ivy sa tabi ni Clyde ay nakikipag-usap din kay Eli. Para bang kinukumport niya ang babae.

Lumipat si Clyde sa gawi ni Eli para yakapin ang babae. Dahil alam kong umiiyak pa rin ito.

Pumasok ako sa kwarto at pumunta sa travelling bag ko. Kinuha ko ang bikini ko na kulay itim. Di na ako pumasok sa banyo. Dahil wala naman ding ibang tao.
Kasalukuyan akong naghuhubad wala na ni isang saplot sa aking katawan ng bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok si Clyde.

Napatigil ito sa kinatatayuan nito. Tumayo ako at ibinalandara ang hubad kong katawan. Ano pa ang itatago ko, nakita at natikman na nito ang lahat sa akin.

Lumamlam ang mga mata nito. I know that stares, and I see the lust in his eyes. Ngumisi ako. Dahil may kapilyuhan akong naisip. 

Umupo ako sa kama, I cross my legs and put my hands on bed, itinukod ko ang aking dalawang kamay sa likuran ko at iniharap sa kanya ang aking malulusog na dibdib.

Isinara nito ang pinto at inilock iyon. Di kami magkasama sa iisang kwarto, pero ewan ko kung bakit nandito ito ngayon.

"This is your way to seduce me?" tanong nito. May ngisi sa labi nito.

Umangat ako, agad kong itinukod sa aking chin ang aking isang kamay.

"Why? Are you seduce?" tanong ko dito na may pang-aakit na boses.

The Cruel DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon