Chapter 32

52 3 0
                                    

DAHIL nga nanalo ang team nila Clyde ay naisipan ng team nila na mag-outing, dahil ang alam ng lahat ay kaibigan ako ni Clyde at pilit nila akong isinasama.

Di naman sila nabigo, dahil talagang sumama ako. Ayaw sana ni Clyde na sumama kaso ako ang namilit dito. Kaya sumama na ito sa amin ngayon.

Lulan kami ng isang van ngayon, papunta sa isang beach resort. Plano ng grupo ni Clyde na maligo ng dagat.

Ilang oras din ang b'yahe ay nakarating kami. Bumaba si Clyde, dahil nakapwesto ito sa may pinto at ako sa may bintana. Agad niya akong inalalayan. Todo ingat si Clyde sa akin.

At di iyon nakawala sa paningin ng mga kateam mate nito. Kaya naging tapulan kami ng tukso, pero panandalian lamang iyon.

"Susunod ako, guys! May hihintayin muna ako!" sigaw ng isa sa kateam nila Clyde.

Nauna na kami, dahil nasa unahan ang mga ka teammate nito at nasa hulihan kami, kaya malayang nagagawa ni Clyde ang gusto nito. Nakaakbay sa aking balikat ang isang braso ni Clyde.

Panay halik din ito sa gilid ng aking labi. Sinusuway ko ito, pero talagang mapilyo ang nobyo ko.

Dumaos dos ang braso nito patungo sa baywang ko ay hinapit ako papalapit dito. Dahil panay kant'yawan ang mga kateam ni Clyde ay walang nakakapansin sa amin.

Nakasunod lang kami sa kanila. Nakarating na sa cottage, at inilagay na ang mga pagkain sa mesa. Humiwalay ako kay Clyde at umupo sa upuan na nasa cottage.

Habang ang mga kateam nito ay nasa dagat na at nagtatampisaw. Habang ang iba at naiwan dito sa cottage. Puro boys ang nandito at ako lang ang nag-isang babae. Tumabi sa akin si Clyde.

"Hi, guys! Sensya na natagalan," ngiting sambit ng kateam nila Clyde. Di agad nakaligtas sa aking tingin ang limang babae na kasama nito.

"Guys, meet Clea my girlfriend and her friend." Pakilala ng kateam ni Clyde sa girlfriend nito at sa kaibigan sa amin.

Di ako umimik. Ang kateam ni Clyde at ang girlfriend nito at nasa katapat namin, habang ang isang dalawang kaibigan ng girlfriend nito ay katabi nila, at ang isa ay tumabi kay Clyde. Tumaas ang kilay ko.

Lumingon ako sa katapat naming upuan, may bakante naman.

"Hi, I am Janeth and you are?" tanong nito.

Di umimik si Clyde. Di pinansin ang babae. Pero tinutukso ng kateam, si Clyde at ang babae. Panay ang sulyap ng babae kay Clyde.

"Clyde Jay ang pangalan n'yan, Neth."

"Ang ganda ng pangalan mo, kasing gwapo mo," rinig kong sabi nito.

Tumaas ang kilay ko.

Lumapit ako kay Clyde. Tapos ay bumulong.

"Samahan mo ako."

Napatingin sa akin si Clyde. "May problema ba?" tanong nito.

"Wala," sabi ko na lang dito.

"Ligo tayo Clyde," yaya ng babae dito.

"No, thanks dito lang ako." Tanggi nito.

Pero mapilit ang babae at tinutukso na din sila ng kateammate ni Clyde. Umirap ako.

Napatingin sa akin si Clyde. Umiling ito, kunot noo ko siyang tinignan.

"Sige na Clyde, pagbigyan mo na si Janeth, malakas yata ang tama sa iyo," tumatawa na sabi ng sa isa ka teammate nito.

Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko nang tumayo si Clyde. Napatingin ako sa kanya. Tumingin din ito, panay na ang hila ng babae dito. Kaya sumunod ito.

The Cruel DesireWhere stories live. Discover now