Chapter 15

61 4 0
                                    

HABANG abala ang dalawang nagpapaligaya sa isa't-isa ay ako naman at mataman na nakatingin sa kanila. Kinunan ko silang dalawa ng video para may ebidensya ako sa kalokohan na ginagawa nila. Akala siguro nila na makakaligtas silang dalawa.

"Ahhh!" ungol nang magaling kong bayaw. Alam kong nilabasan na ito.

Napasandal ako sa may pinto at pumalakpak para makuha ko ang atensyon nilang dalawa.

"Bravo, ang galing!" nang-uuyam kong saad sa kanila.

"Sheena," nababahalang tawag sa akin ni Kent. May takot sa mukha nito, dahil alam niya ang kaya kong gawin.

Pumalakpak ulit ako. "Ang galing naman. Ganito ka ba lagi Kent? Bakit mo sinasaktan ang kapatid ko?" tanong ko sa kanya. Naging mabalasik ang mga mata ko na nakatingin sa kanya.

"At ikaw babae, may dilakadesa ka ba? May asawang tao ang boss mo, ganyan ang ginagawa mo!" sigaw ko sa sekretarya nito. "Umalis ka na babae, hangga't nakakapagpigil pa ako."

Dali-daling, nagbihis ang sekretarya nito at umalis sa likod ni Kent. Dahil nasa likuran ito ni Kent at nagtatago doon.

"Kent," tawag nito kay Kent. Alam ko ang pagsusumamo ng sekretarya nito. May pagtingin ang babaeng ito sa bayaw ko. Para yatang gusto ng babae na ipaglaban siya ng bayaw kong magaling.

"Out!" sigaw ko. Dali-dali itong lumabas. Pero bago ito tuluyang lumabas ay nagsalita muna ako. "And you are fired. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo sa kumpanya KO!" sigaw ko sa pagmumukha nito.

"Hindi ka pwedeng magdesisyon sa bagay na iyan Ma'am. Dahil si Sir Kent ang nagpapa sweldo sa akin," sabi nito sa akin.

Hinarap ko siya. Tinignan ng malamig at may panlilisik sa mga mata.

"Really? For your information, ang nagpapasweldo sa iyo ay ang kumpanya KO at hindi si Kent. Kaya umalis ka na at wag ka ng magpakita pa!" sigaw kong muli dito.

Hinarap ko naman si Kent. Naging maamo ang mukha nito at hindi mapalagay.

"Believe din naman ako sa iyo, really Kent? Talaga sa kumpanya pa namin, hindi ka ba nahihiya? Hanggang kailan mo niloloko ang Ate Selena ko Kent?" tanong ko dito. Naging mahinahon ang boses ko, kahit na gusto ko siyang murahin at pagtaasan ng boses.

Nakita kong lumunok ito. Dahil mukhang hindi nito inaasahan na masasapon ko sila. Mukhang matagal na nitong niloloko ang kapatid ko. Akala ko, mahal nito ang kapatid ko. Hindi pala.

"Matagal na ba Kent? Akala ko ba mahal mo ang Ate Selena ko?" sigaw ko dito. Di ko na napigilan ang galit ko. Tahimik lang ito, habang ako at talak ng talak.

"I am sorry, Sheena. Pero hindi ko siya mahal. Akala ko mahal ko siya pero hindi pala," saad nito. May pagsusumamo sa mga mata nito.

"Alam mo bang sa ginagawa mo ay maaaring mawala ang lahat sa iyo? Kaya kitang pabagsakin Kent. Sa isang pitik ko lang ay lalagpak ka," madiin kong sambit dito.

Yumuko ito. "Kung pababagsakin mo ako? Paano ang Ate Selena mo?" tanong nito.

Ngumisi ako. "Kayang mabuhay ni Ate Selena na wala ka." Napatitig ito sa akin. "Bakit sinasaktan mo ang Ate Selena ko Kent?" mahina kong tanong sa kanya. "Wala naman siyang naging kasalanan sa iyo. Ang tanging kasalanan lang niya ay ang mahalin ka."

"Hindi niya sinabi sa akin na di siya buntis. Nagpanggap siyang buntis, Sheena. Ginawa niya akong gago, umasa ako Sheena na magiging ama na ako," sambit nito.

"Tapos ginaganito mo Ate Selena ko? Sinasaktan mo siya nang palihim? Alam mo ba ang nararamdaman ng Ate Selena ko ngayon?" matiim kong sambit. "Nasasaktan siya sa tuwing nakikita ka niyang may kasamang ibang babae!" sigaw ko. "Umiiyak ang Ate Selena ko, nang palihim. She wanted to save the marriage, but you didn't cooperate. My sister doesn't deserve you. You aren't worth her tears."

The Cruel DesireWhere stories live. Discover now