Chapter 50

34 0 0
                                    


TINITIGNAN ko ang sarili ko sa salamin. I know I am a beautiful lady. Alam ko ding kaya kong paibigin ang kahit na sino. Pero sadyang nasa kay Clyde lang talaga ang atensyon ko.

Hinalikan nito ang aking leeg, niyakap niya ako mula sa aking likuran.

"Your so gorgous tonight," bulong nito sa aking tainga. Di pa ito nakuntento ay dinilaan pa nito iyon.

Napapikit na lang ako. Dahil baka di kami makaalis ngayon. We have a dinner date ngayong gabi. Gusto nitong bumawi sa mga araw na galit ako sa kanya. Totoo naman na bumawi ito, sa paraan nga lang na gusto nito. I never thought na mapapatawad ko pa siya. Mahal ko nga talaga siya.

Pinaharap niya ako. Hinawakan nito ang aking mukha at iniangat iyon. Hinalikan nito ang aking labi. Dampi lamang iyon, pero libo-libong boltahe na ang ibinigay nito sa akin. Iyon ang epekto nang halik nito sa akin.

"Umalis na tayo, baka di ako makapagpigil at angkinin kita nang paulit-ulit," sambit nito.

Noong kumain kami kanina sa beranda ng agahan ay talagang may nangyari sa amin. Bago kami kumain. Inalalayan niya ako, inilagay nito sa aking baywang ang kamay nito at hinapit ako papalapit dito.

Nang makalabas na kami ng bahay ay binuksan nito ang pinto ng kotse nito at pumasok ako. Isinara nito at umikot papunta sa driver seat. Binuhay nito ang makina at pinatakbo iyon sa isang restaurant na pinagreserban nito, para sa aming dinner date.

Nang makarating kami sa restaurant ay nagpark ito nang maayos. Bumaba ito at inantay ko itong pagbuksan ako nang pinto. Umikot ito sa gawi ko at binuksan ang pinto ng kotse nito at bumaba ako.

Bumaba ako, agad nitong inilagay sa baywang ko ang kamay nito at hinapit ako papalapit sa kanya.

"Good Evening Ma'am, Sir! Any reservation?" tanong ng isang babaeng waiter sa amin. I roll my eyes of this waiter. Masyadong malagkit ang titig nito kay Clyde.

"Yes, please! I reserve a table for two, for the dinner date with my wife," sabi ni Clyde. Napangisi ako nang makita ang hitsura ng babae. Para itong natuka ng ahas, dahil sa sinabi ni Clyde.

"This way Sir, Ma'am." Iginiya niya kami sa table na pinareserve ni Clyde.

Pagpasok pa lang namin sa loob ng restaurant ay napalingon ang lahat sa amin. Even the girls na may mga kasama naman.

Nang makarating kami sa table namin ay pinaghila ako ni Clyde ng upuan. I sit down at ito namang si Clyde ay umupo na sa kanyang pwesto. Agad kong iginala ang paningin ko sa buong restaurant.

This restaurant isn't bad. Maganda ang ambience ng restaurant ay di masakit sa mata kung tignan. Ibinigay na sa amin ng waiter ang menu. Si Clyde na ang pinaorder ko, siya na ang bahala sa kakainin namin.

Di nagtagal ay dumating ang pagkain namin. Kumain na kami, since gutom na din naman ako. Ilang minuto lang at tapos na kaming kumain. Nagserve din sila ng isang wine.

Sinalinan ni Clyde ang baso ko at kinuha ko iyon. Ininom ko ang wine na iyon at sobrang sarap noon. Ibang-iba sa mga wine na natitikman ko.

Nang matapos na kaming kumain ay agad nitong binayaran ang bills namin. May pupuntahan pa kasi kami, kaya aalis na kami.

Lumabas na kami sa restaurant ng makapagbayad na kami. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse nito ay pumasok na ako sa loob.

Nasa biyahe na kami at di ko alam kong saang ang tungo namin ni Clyde. Sabi nito ay may pupuntahan sila at kailangan ang presensya ko doon. Inaliw ko na lang ang aking tingin sa labas ng bintana. Kahit gabi na ay masigla pa rin ang syudad. Hindi naman masama na magliwaliw minsan.

The Cruel DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon