Chapter 40

51 2 0
                                    

 

 

NAKATINGIN ako ngayon sa dalawang taong nag-uusap. Nakilala ko kanina si Rolyn ang may-ari ng Hacienda Victoria. Kasama nina Rolyn at Clyde, si Icy. Hindi na pinaalis ni Clyde, si Icy alam ko na di pa buo ang tiwala ng lalaki sa huli.

Nasa kwarto lang ako, ayaw kong lumabas. Dahil hanggang ngayon ay di pa rin pumapasok sa isip ko ang lahat. Hindi din namin alam kong may kinalaman ba si Ivy sa lahat ng ito.

Nasa may veranda ako ngayon ng kwarto ko. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin. Di nga ako nagkamali, sobrang sariwa ng hangin ng probinsya. Napatingin ako sa ibaba, dahil pakiramdam ko ay may mga mata na nakatingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin ni Clyde. Ako na lang ang uniwas. Umalis ako sa veranda at pumasok sa loob ng kwarto ko. Umupo ako sa kama ko. Isa sa guest room ang inuukupa ko ngayon dito sa Hacienda.

Maya-maya ay bumukas ang pinto ng aking kwarto. Iniluwa doon si Clyde. Umiwas ako ng tingin dito. Ayaw ko siyang tignan, narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.

"I know that you're still upset, dahil sa ginawa ko. Para din naman ito sa iyo and I am sorry kung nagpanggap akong may amnesia. Ginawa ko lang naman iyon, para pasakitan ka. Dahil iniwan mo ako sa kabila ng laban na kinakaharap nating dalawa. Binitawan mo ako."

Tinignan ko siya na may galit sa mga mata. "Ginawa ko iyon, dahil gusto kitang protektahan, Clyde. Ako ang may kasalanan sa kanila. Kung meron man, pero iba ang nagbabayad. Di kaya ng konsensya ko na may mangyari masama ulit sa iyo."

Lumapit ito sa akin, lumuhod ito sa paanan ko. Niyakap niya ako sa baywang.

"Mahal kita, handa kong suongin ang lahat ng panganib. Para lang mailigtas kita." Tumingala ito sa akin 

Hinawakan nito ang pisngi ko. Napapikit ako. Dinama ko ang init na nagmula sa mga kamay nito.

"Mahal din naman kita. Kaya nga ako lumayo sa iyo. Para di ka na mapahamak. Baka sa susunod ay di ka na makaligtas at baka di ko kayanin iyon. Clyde. Baka ikamatay ko iyon." Di ko mapigilan ang lumuha.

Unti-unti ay tumulo ang aking mga luha. Tumayo ito. Hinawakan ang aking baba ay iniangat iyon gamit ang mga kamay nito.

Lumapit ang mukha nito sa aking mukha. Hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Dampi lang noong una, hanggang sa unti-unting gumalaw ang labi nito.

Ang banayad na galaw ng labi nito ay naging mapusok na inaangkin ang aking mga labi. Tinugon ko iyon. Inihiga niya ako sa kama.

Iniwan nito ang aking labi at tinitigan ako. Muli ay sinakop nito ng mapusok na halik ang aking mga labi. Bumaba ang labi nito tungo sa aking leeg. Napatingala ako at panaungol.

Akala ko ay wala nang gaganda pa sa ancestral house nila Rolyn. May mas gaganda pa pala.

Nakasakay kami ngayon ni Clyde sa isang kabayo na pag-aari nila Rolyn. Di ko akalain na marunong palang mangabayo si Clyde. Hiniram niya ang kabayong iyon kay Rolyn para mamasyal kami. Nasa unahan ako at nasa likuran ko si Clyde. Dama ko ang init na nagmumula kay Clyde. Nakadikit kasi ang likuran ko sa dibdib nito. Kaya damang-dama ko ang katigas ng dibdib nito.

Nilibot namin ang buong hacienda. Huminto kami sa nga puno ng mangga Abala ang mga trabahador dahil anihan pala ngayon. Huminto kami. Bumaba si Clyde mula sa kabayo at inalalayan akong bumaba. Hinawakan nito ang baywang ko.

Abala din si Rolyn. Pero di iyon naging hadlang para di niya kami i-entertain.

"Mabuti ay napasyal kayo. Masyado akong abala sa anihan ngayon." Nasa gilid ko si Clyde. Nasa baywang ko ang braso nito at nakapulupot doon.

The Cruel DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon