Chapter 55

92 1 0
                                    

DI KO alam kong ano ang nangyari. Dahil nang niyakap ko ang aking ina ay nawalan ako ng malay. Di ko matanggap na wala na aking ina.

Di ko man lang naabutan ang akin ina. Bumangon ako, nasa ospital din pala ako.

"Don't move," saad ng isang boses.

"Clyde…" tanging nasabi ko na lamang.

Ano ang ginagawa niya dito. Oo nga naman, bestfriend ni mommy ang ina nito.

"How's your feeling?" concern nitong tanong sa akin.

"I am fine." Di ko siya magawang tignan. Dahil alam ko sa sarili ko na di pa ako nakamove on.

It's been 10 years, sobrang tagal na pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ang sakit. Napatingin ako sa kamay nito. Sa mismong daliri nito. Walang singsing na pagkakatanda na kasal na ito. Ngumiti ako ng mapait.

Oo nga naman sino ba ang gustong malaman ng marami na kasal na pala ang lalaking nasa harapan ko. Hinubad siguro nito ang singsing.

"Magpahinga ka muna. Mamaya ay lalabas ka na," malumanay nitong sabi sa akin.

"Si mommy?" Pumiyok ang boses ko. Dahil di ko talaga matanggap na wala na ang aking ina, na naging sandalan ko noon, sa mga panahon na sinubok ako ng panahon.

"Nasa morgue na. Baka mamayang gabi ay iuuwi na ang labi niya sa mansion ninyo," sabi nito sa akin.

Umupo ito. Hinawakan nito ang kamay ko. Kumislot ako, dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kuryente na sa tuwing nagdadantay ang mga kamay namin ay lumalabas.

Napatingin ako sa kanya. Mismo sa mga mata nito. Mapungay iyon and I saw a longing in his eyes. Umiwas ako, dahil ayaw kong mag-assume.

"Nandito lang ako, Sheena. I am always here. Kahit na iniwan mo ako 10 years ago," malumanay nitong sabi sa akin. Hinahaplos din nito nang mabagal ang aking kamay.

"Ginawa ko iyon, dahil may batang involve, Clyde." Napatingin ako sa kanya. "Hindi kaya ng konsensya ko na lumaki ang bata na walang ama," sabi ko dito.

Kahit na nasasaktan din ako, dahil lumaki ang mga anak ko na walang ama.

"I know. Pero sana hindi mo ako binitawan. Nasasaktan ako. Nasaktan ako ng husto ng magising ako sa isang ospital na wala ka sa tabi ko."

Napalingon ako sa kanya. "What do you mean?" tanong ko dito.

"I met an accident, 10 years ago. Hinabol kita, papunta na sana ako ng airport ng araw na iyon nang maaksidente ko. Nagising ako na walang maalala. Pero kalaunan ay bumalik ang ala-ala ko. Pero wala ka na, wala ka na sa tabi ko, at alam ko kasalanan ko iyon."

Umiwas ako  ng tingin dito. "Stop blaming yourself. Hindi na nating maibabalik ang nakaraan," tanging nasabi ko dito.

"Pero pwede naman tayong magsimula, di ba? Magsimula tayong muli. Ibalik natin ang dati," sabi ko dito. "Hindi ganun kadali iyon Clyde. Lalo na't may pamilya ka na. May asawa ka na."

"Asawa? Wala akong asawa." Deny nito.

Ngumiti ako ng mapait. "Wag mong ideny ang pamilya mo Clyde. May anak kayo ni Ivy."

Sumeryoso ang tingin nito sa akin. "Oo may anak kami. Pero di ko siya pinakasalan, Sheena. Pagkagraduate ko ng Crimonology ay agad akong nag-enroll para sa Army. Pagkagraduate ko sa Army, pinagpatuloy ko ang paghahanap ko sa iyo. You think na magagawa kong pakasalan si Ivy? No, hindi. Dahil hindi ko kayang matali kay Ivy. Your still my wife, Sheena. Dahil di ko pinasa sa korte ang annullment. Gayon din ang kopya na nasa kapatid mo."

The Cruel DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon