Chapter 9

67 3 0
                                    

ILANG buwan na din ako mula nang magsimula akong mamahala sa mga negosyo ni mommy. Next year ay mag-enroll na ako sa ikalawa kong kurso. Next year ay magkikita na naman kami. Napa buntonghininga na lang ako, dahil kahit anong pilit ko sa sarili na kalimutan si Clyde ay hindi ko magawa.

Nagsisimula na din ako sa pagde-date ng mga prospect suitor ko. Para lang talaga maibaling sa iba ang atensyon ko. Pero lagi akong bigo. Yes, tumatanggap ako ng manliligaw. Ginagawa ko ito, sa dalawang dahilan. Una para makalimutan ko si Clyde. Pangalawa, para itigil nila mommy ang kasal namin ni Kent. Baka pag may ipapakilala ako sa kanila na boyfriend ko tigilan na nila ako.

Abala ako sa pagpirma ng mga papeles ng pumasok ang sekretarya ko. Nginitian niya ako at inilapag ng isang invitation card.

"Ano iyan?" tanong ko dito.

"Invitation Card."

"I know para saan?" tanong kong muli.

"Para daw sa anniversarry ni Mr and Mrs Montecalvo." Umalis na ang sekretarya ko matapos nitong ilapag ang invitation. Ayaw ko mang pumunta ay alam kong ini-expect ni mommy na nandoon ako.

Kaya kahit na maaga pa ay umuwi na ako. Dahil maghahanda pa ako. Mga 9 pm ang start ng party kaya I need to go there in time. Nagpaalam na ako kay Jerlyn, ang sekretarya ko.

Nasa basement ako nang mamataan si Clyde. Naninigarilyo ito, akala ko tumigil na ito sa bisyo nito. Pero bakit ang hot nitong tignan. Paano ko makakalimutan ang lalaking ito kung panay ang pakita nito sa akin. Panay ang sunod nito sa akin.

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Nasa harapan na niya ako, agad nitong itinapon ang sigarilyo nito ng makita ako. Tumaas ang kilay ko.

"I thought you would stop smoking!" sambit ko.

"Minsan lang naman," mababang tinig na saad nito.

"Ano nga ang ginagawa mo dito?" tanong kong ulit dito, hindi kasi nito sinagot ang una kung tanong.

"Sinusundo ka."

"No need Clyde. Si Eli na lang ang sunduin mo," walang ganang sambit ko dito.

Nang lingunin ko ito ay para bang umusli ang labi nito. Is he smiling?

Umiling-iling na lang ako. Pumasok ako sa sasakyan ko, binuhay ko ang makina at pinatakbo ko na ito. Tumingin ako sa rear mirror, nakita ko si Clyde na sumusunod sa sasakyan ko.

He also know where my condo is. Minsan na kasi nito akong sinundan, kaya natuntun nito kung saan ang condo ko. Nagparking ako at bumaba. Alam kong nakasunod sa akin si Clyde at pinagwalang bahala ko na lang iyon.

Napatigil ako ng makitang nakatayo si Max sa harapan ng pinto nang condo ko, si Max ay isa sa masugid kong manliligaw. Pero ilang beses ko na itong binasted. Pero hindi pa rin ito tumitigil.

"What are you doing here Max?" tanong ko sa lalaki. Naging alerto ako, dahil hindi ko inaasahan na bibisita si Max ngayon.

"Visiting you," ngiting sabi nito sa akin.

"Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na wala kang mapapala sa akin. Pinaintindi ko na iyan sa iyo."

"Give me a chan---."

"Who is he, babe?" malamig na tanong ni Clyde. Di ko namalayan na nasa likuran ko na pala ito. Sobrang dikit ng dibdib nito sa likuran ko.

"Wala," malumanay kong sabi kay Clyde. Nilingon ko ito, nginitian. Sana ay sumabay sa drama ko si Clyde.

"Ginugulo ka ba niya?" tanong nito sa akin. Lumapit ako sa kanya, kaya agad niya akong hinila upang makalapit sa kanya.

"I am sorry Max. Pero hindi talaga pwede." Pinalungkot ko ang boses ko. Para wala ng masabi ang kaharap namin.

The Cruel DesireWhere stories live. Discover now