Chapter 4

89 4 0
                                    

IPINASOK ni Clyde ang kotse nito nang makarating na kami sa Hacienda Victoria. Hindi pa rin nagbabago ang hacienda. Siguro dahil naalagaan ito ng mabuti ng may-ari.

Agad akong bumaba ng nasa bungad na kami ng Ancestral house na nandoon. Bagong renovate yata ang ancestral house nila Rolyn. Dahil di naman ganito ito noong una kong punta dito.

Sabagay, matagal na iyon. Matagal-tagal na din mula ng mapunta ako dito.

"Welcome back to Hacienda Victoria, Sheena!" sabay kaming napaligon si Clyde sa nagsasalita. Napangiti na lang ako, dahil nakita ko ulit ang isa sa matalik kong kaibigan.

Si Rolyn Montemayor. Ang naging sandalan ko noong nandito ako, isa din siya sa tinakbuhan ko noon nang magtago ako mula kay Clyde para di niya ako mahanap.

"Rolyn, nice to see you again," masaya kong sambit dito.

Bumaba ito sa hagdanan ng ancestral house nito ay kasunod nito ang anak nito na walang kaemo-emosyon. Siguro hindi pa talaga ako sanay sa batang ito. Kahit na matagal din kaming nagkasama noon.

"Hello, Sheena." Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Mabait si Rolyn, maganda din ito.

"Ate, nasaan si Kuya Alve?" tanong ni Clyde dito. Matanda kasi ng ilang taon si Rolyn sa amin.

"Nasa isang negosyo niya," sagot nito.

Di din biro ang love story ng mag-asawang, Rolyn at Alve. Sinubok ng panahon ang kanilang pagmamahalan. Pinaghiwalay sila nang matagal nang tadhana.

Nagkita sila ulit, pero marami pa ding balakid. Pero nalamapasan nila iyon at ngayon ay masaya silang nagsasama. Kasama ang dalawa nilang anak. Noong dumating kasi ako noon ay dalawa lang iyon, baka nadagdagan pa.

"Pasok kayo, pinaghanda ko kayo ng makakain. And Sheena, nandito na ang daddy mo at ang nagbabantay sa kanya." Pagbalita sa akin ni Rolyn.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay nila Rolyn at nakita ko si daddy doon.

"Mas mabuting nandito kayo, Sheena. Para makalanghap ng sariwang hangin ang daddy mo at makakasama mo na din siya," sabi sa akin ni Rolyn.

"Paano ang school na pinagtratrbahoan ko Clyde?" tanong ko kay Clyde.

"Nasabihan ko na sila. Nang kinidnap kita at sapilitan na isama sa akin."

Napalingon si Rolyn sa sinabi ni Clyde Jay.

"Ano sabi mo Clyde?" galit na tanong nito kay Clyde Jay. May bahid na galit sa boses nito.

"Kinidnap ko siya. Kasi ayaw niyang makipag-usap sa akin. Gusto kong ayusin namin ng lahat."

"Kahit na di mo dapat ginawa iyon."

"Nangyari na Rolyn, kaya wag mo nang alalahin iyon."

"Kumain na tayo, lalamig ang pagkain," sabi nito sa amin.

Itutulak ko sana ang wheel chair ni daddy nang agawin ito mula sa akin at si Clyde ang pumalit. Pumasok kami sa isang corridor, dahil nandoon ang dinning area nila.

Nauna si Clyde sa akin at napagmasdan ko din ang likuran nito. Malaki na ang pinagbago ni Clyde mula nang maghiwalay kami ay nag-aral ito para maging sundalo.


Naupo na kami ng makarating kami sa dining area. Nagsimula na kaming kumain, nilagyan ko ng pagkain ang plato ni daddy.

Ang taga bantay na dito ang sumusubo dito. Dahil ayaw talagang kumilos ni daddy. Natrauma nga siguro ito sa pagkawala ni mommy.

The Cruel DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon