Chapter 12 part 1

Start from the beginning
                                    




"Kung tungkol sa loan ko ang pag-uusapan natin huwag kang mag-alala maayos na napapamahalaan ni Ellie ang negosyo namin."





"Wala pong kinalaman dito ang tungkol sa loan ninyo sa Monteverde bank."





Biglang nanahimik si Edgardo dahil may naramdaman siyang kakaiba sa kaharap. Biglang bumait ito sa kanya ngayon samantalang noong huli silang mag-usap ay halos murahin siya nito.





"Dale Rafael, ang sabi ng mga doctor bawal pa kay papa ang mastress. Kung ano man ang gusto mong sabihin sa kanya makakapaghintay naman siguro yan." Kinakabahan si Ellie ng mga sandaling yun.





"Honey, dapat nga ang papa mo ang unang makakaalam ng desisyon natin." Malambing na turan ni Dale Rafael.





Napasinghap si Ellie, nagugulat siya sa inaasal ng binata sa harap ng kanyang papa.





"What do you mean Dale Rafael?" Naguguluhang tanong ni Edgardo.





"Sir, before anything else I want to apologize with my atttitude last time. I know I was rude to you. Nabigla lang po ako ng malaman kong buntis si Ellie but these past few days I realized that I need your daughter." Madamdaming pahayag ni Dale Rafael.





Napataas ang kilay ni Ellie sa narinig, puwedeng puwedeng mag-artista ang binata dahil base sa reaksiyon ng kanyang ama ay mukhang napaniwala ito sa drama niya.





Napatango si Edgardo ang buong akala niya ay sinsero si Dale Rafael sa mga sinasabi nito. "Mabuti naman kung nagkasundo na kayo. I wont force you to marry my daughter, the fact that you're here and willing to accept my grandchild is enough for me." Ayaw ni Edgardo na mapasok ulit ang anak sa alanganing sitwasyon. At isa pa ay walang sinabi ang binata na mahal nito si Ellie kaya alanganin din siya hindi niya hahayaan na muling masaktan ang bunso.





Nataranta si Dale Rafael sa sinabi ni Edgardo hindi puwedeng masira ang mga plano niya. "You don't need to force because I am willing to give my name to her. Sweetheart please tell to your father about our plan." Hinging tulong nito kay Ellie. Umaasa siya na marunong tumupad sa kasunduan ang dalaga.





Napayuko si Ellie hindi niya alam kung paano sasabihin sa ama ang tungkol sa pagpayag niyang pagpapakasal kay Dale Rafael. Nasisiguro niya na hindi ito basta maniniwala sa kanila. "Papa... We decided to..." Halos hindi niya maibuka ang bibig.





"Pumayag ka na magpakasal kayo? Alam mo naman na walang pagmamahal ang lalaking ito sa iyo. Gusto mo talagang laging nasasaktan." Panenermon ni Edgardo kahit hirap sa pagsasalita.





"Papa, makakasama sa inyo ang magalit, malilintikan ako kay ate kapag may nangyaring masama sa inyo." Nilapitan ni Ellie ang ama at minasahe ang dibdib ng mapansing humihingal ito. Ayaw niyang abutan sila ng kanyang ate na ganun ang sitwasyon ng ama.





"Hija, pag-isipan mong mabuti ang bawat desisyon mo dahil ayokong masaktan ka sa bandang huli." Malumanay na ng magsalitang muli ang matandang lalaki.





"Papa, ang iniisip ko sa ngayon ang kapakanan ng anak ko. I can sacrifice anything for my child."





"Don't worry sir, aalagaan ko po ang anak ninyo at ang magiging anak namin." sabad ni Dale Rafael, ng mga sandaling yun ay kinakabahan siya dahil sa pagtutol ng ama ni Ellie sa kasal nila. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang nasasaktan siya sa lantarang pagtanggi ng ama nito sa kanya. Samantalang halos ang mga pamilya ng mga babaeng nakarelasyon niya ay gustong gusto siya ng mga ito.





"Dale Rafael, iwanan mo muna kami ng papa. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Don't worry I have word of honor." Mas makakabuti kay Ellie kung umalis muna ang binata dahil nawawala siya sa sarili tuwing ginagamitan siya ng endearment nito na alam naman niya na drama lamang ito. Pilit niyang nilalabanan ang totoong nararamdaman para dito.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now