Lumingon naman siya at ngumiti nang nakakaloko, "What?" Parang gusto niya talaga na nasa ganito akong sitwasyon, humanda talaga siya kapag nakalakad na ako!

Umismid ako, "Carry me!" Sigaw ko.

Tumaas ang kilay niya, "Say the magic word!" Sabi niya sabay hawak sa batok niyaㅡ shemay, bakit ang gwapo niyang nilalang?! >___<

Nanlaki naman mata ko. No way in hell he could make me say the magic word, lalo na kung sa kanya lang din naman! "Huh? Are you nuts?" Sabi ko at nagawa ko pa talagang maghalukipkip sa ganitong sitwasyon.

Tinuro niya naman ulit 'yung mga lasing, "Hi, *hik* miss! *hik* m-may *hik* ka-kasama ka *hik* ba? *hik*" Omg! Ang lapit na nila at ang papanget nila, jusko! Sabi na eh, mangyayari 'to.

Napatingin uli ako kay Feeler na ngayon ay naglalakad na palayo. Shit! Ginigipit niya talaga ako. :((

"Hey, pleaseeee! Please, carry me!" For God sake, this is the first time I pleaded to someone like this.

Lumingon naman siya at agad na lumapit sa akin, nakangiting aso na naman, "This is not free, okay?" Sabi niya sabay buhat sa akin.

Hindi na lang ako umimik, baka kasi ilapag pa ako at iwanan dito. Huhuhu!

**

Madami siyang idinadaldal sa akin, habang ako naman ngayon ay nakakaramdam nang antok. Ewan ko ba, pakiramdam ko antok na antok akoㅡ ang bango niya kasi at binubuhat niya ako na parang bata.

Ngayon ko lang din napansin na may nunal siya sa batok niya, habulin siguro 'to ng mga babae kaya utak ipis kung mag-isip kung akusahan ako na stalker. Kapal nya!

Bahagya niyang hinagod ang likod ko. Ay, @#%&*/()! Is he seducing me or something? >_< "Where do you stay?"

Napansin niya sigurong wala akong imik at kanina pa kami naglalakad-lakad, 'di kaya siya nabibigatan sa akin? :O

Tinapik niya ulit ang likod ko, "Hey, don't sleep!"

Bahagya akong nagsalita, "I'm not, I just feel like not talking to you."

Umiling siya, "How will I know where you stay If you won't tell me where?"

Oo nga naman! =___= "Hotel." Nag-iisa lang naman ang hotel dito eh. Karamihan ay Cottage at kung anu-ano pa.

Tumango siya ng bahagya, "I stay there, too."

Napataas ang kilay ko even though he won't see my eyebrow arching in the middle of my forehead, "I'm not asking!" I exclaimed.

"I know, because you already know, Stalker!" He said like he knows everything.

Bahagya kong sinuntok ang likod nya, "Ang kapal mo talaga eh 'no?!"

Tumawa lang siya, "Really interesting."

Hindi na ako sumagot para manahimik na lang siya. Nakakabagot siyang kausapin eh.

Kumakanta lang siya habang naglalakad, 'di ko maintindihan pero ang alam ko lang eh ang ganda ng boses niyaㅡ nakakaantok.

Makakatulog na sana ako ng biglang huminto siya sa pagkanta at paglalakad.

"Baㅡ" Hindi pa man ako nakakapagsalita ng maayos eh nagsalita na siya.

"What are you doing here?" He said with plain cold voice, parang biglang nagtransform ang mood niya. :O

Titingnan ko sana ang kausap niya kaso hinawakan niya ang ulo ko at isinubsob sa balikat niya. Shit, ang bango niya! O.O

"D.O pleaseee~" An unfamiliar voice pleadedㅡ it's a she.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon