Chapter 5

34 4 0
                                    

"Akira hali kana!" sigaw ni Jehlee. Papunta na kaming canteen ngayon para bumili ng snacks.

"Teka lang!" saad ni Akira habang hinuhubad yung footmop niya. Nag simula na kaming mag lakad pababa ng building.

"Papasok ba si ma'am yanna ngayon?" tanung ko sa kanila dahila para magkatinginan sila.

"Siguro hindi, minsan lang naman yun pumasok eh, papasok lang yun pag trip niya" sagot ni Yuhan. Napatango ako sa sinabi niya. Sabagay may punto naman siya kahit nga review day para sa exam hindi siya pumapasok napaka tamad talaga.

Nang makarating kami sa canteen agad bumungad samin ang napakaraming estudyante. Hay! panibagong  pagsubok nanaman.

"Ate isang koolers" saad ng isang babae nang makarating kami sa tindahan. Binigay naman ng tindera yung babae ng koolers.

Hindi pa nga ako nakakabili pinapawisan na ako.

"Ate isa ngang pillows at koolers" bili ko. Ito lang kasi yung gusto kung kainin ngayon bakit ba?. Nang makuha ko yung pillows at koolers umalis na agad ako dahil hindi kona kinakaya yung mga amoy nila.

Hinhanap ko sila Akira pero hindi ko sila makita. Paniguradong nasa loob ng canteen yung mga yun. Mag hihintay nalang ako dito baka hindi na ako makalabas ng buhay pag papasok ako ng canteen.

Nakatayo lang ako dito sa may puno ng canteen namin. Hindi ko dala yung phone ko kaya yung id ko nalang yung pinag lalaroan ko. Kada tao dumadaan sa harap ko tumitingin sakin dahilan para ma ilang ako.

Bakit nila ako tinitignan? alam kung nagagandahan sila sakin pero wag naman nila masyadong ipahalata. Char lang!

"Dito William!" narinig kung sigaw ng isang lalaki. Napatingin ako sa kanila at agad bumungad sakin ang napakagwapong mukha ni William. Ang mga mestizo niyang balat at ang sout  na bumabagay sa kanya. Tapos naaarawan pa siya. Shit! ang gwapo!

Tumingin sa kanya si William at ngumiti ito, dahilan para mamula ako. Wag ngayon Margareth. Not today!

"Papunta na!" saad ng lalaki sabay lakad. Nakatingin lang ako sakanya na parang tanga. Nang dumaan siya sa harap ko bigla nalang tumibok nang malakas ang puso ko.

Hanggang sa mawala na siya sa pangin ko. Pero nakita ko siyang pumasok sa canteen kasama ang ka klase niya. Tumakbo ako para pumasok sa canteen pero hindi pa ako nakakapasok nakasalubong kona yung mga kaibigan ko.

"Papasok ka? wag na mainit" saad ni Akira. Napaatras nalang ako at nagsimula nang maglakad.

Ewan pero sa pag kakaalam ko hindi ako interesado sa kanya. Pero bakit kapag nakikita ko siya parang sasabog na yung puso ko. I think i have crush on him? No. I like him.

Pero hindi ko muna ipagkakalat saka napakapag sure baka mapahiya ako sa huli. No!

Nakarating na kami sa room. Umupo kami sa sahig at nagsimulang kumain. Binuksan ko yung pillows ko. Hanggang ngayon hindi ko parin mawala sa isip ko si William.

"Alam niyo ba?" tanung ni Yuhan. Tumingin ako sakanya para makinig.

"Hindi malamang" sagot naman ni Jehlee. Jehlee rolled her eyes.

"Alam niyo ba, may nag confess sakin na taga ste" kwento niya dahilan para magulat kami. Eh? sa kanya? nag confess? hindi nga?

"Nandidiri nga ako eh kasi girl hindi kami talu" Sabay kain ng isang pirasong tuna.

"Baka naman siya nayung mag papa straight sayo" echos ko sakanya. Umacting pa ito na parang nasusuka.

"Girl ayos lang sana kung si Icarus yun eh papatul ako kaagad" saad niya. Ang cringe niya super!

"Ew hindi papatul sayo yun, straight yun" saad ni Akira. Dahilan para tumawa si Jehlee.

"Ako bet nun eh" saad ni Jehlee. Tinaas naman ni Yuhan yung kilay niya. Parang tanga.

"Ako crush nun!" echos ni Akira dahilan para mapaubo kami. Maganda naman si Akira pero i don't think na siya yung ideal girl ni Icarus.

"Nandito na si ma'am guys" saad ni Aiden. Tumayo ako para tignan kung nandyan nabat talaga si ma'am. Minsan kasi nag bibiro yung mga ka klase ko.

Nagsasabi nga ng totoo si Aiden, kasi paakyat na si ma'am. Magsisimula nanaman kaming mag tiis nito.

"Paakyat na si ma'am" saad ko. Pinulot na namin yung mga basura namin at tska tumayo na. Tinapon ko sa basurahan yung basura na hawak ko tska nag sout ng footmop. Pagkatapos nag alcohol ako bago umupo.

"Good morning" saad ni ma'am. Tumayo kaming lahat at sabay sabay binati siya.

"Okay take your sit. Kindly open your books on page 345 and answer the activity 3" wika ni ma'am saka nag cellphone ulit. Kinuha ko yung libro ko at notebook tska umopo sa tabi ni Zaira.

"Hi dae!" maligayang bati niya sakin. Ngumiti ako sa kanya tska nag simula nang sagutin yung activity.

Katahimikan.

10:23 palang arghhh!! tagal matapos ng oras. Tapos na ako sa activity kaya umidlip ako saglit. Mayamaya pa nakarinig ako ng boses lalaki.

"Good morning ma'am, excuse me" saad ng lalaki. Inangat ko yung ulo ko at nakita ang lalaking mestizo.

Ganun nalang kadali ang pagtibok ng puso ko nang mag tama ang mga mata namin tska ngumiti siya sakin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko napako ako sa kinauupuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Thankyou William" pasasalamat ni Ma'am. Ngumiti siya at nagsimula nang maglakad pero bago paman siya makalabas sa room namin tumingin muna siya sakin saka ngumiti sakin.

Narinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko. Siguro nakita rin nila yung ginawa ni William. Kaya eneechos na naman nila ako ngayon.

Patuloy parin ang pagtibuk ng puso ko napara bang tinamaan ako kaagad sa kanya. Isang ngiti niya lang pakiramdam ko nasa langit na ako.

Cringe. Pero yun ang totoo. Tangina William anong ginagawa mo sakin? hindi naman ako ganito sa mga past crush ko ih. Bakit tinamaan ako kaagad sayo?

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt