Chapter 25

7 1 0
                                    

Naglalakad parin kami ni Yuhan ngayon. Nakasunod lang kami nila Jehlee.

Kinukumbinse ni Jehlee si Akira pero mukhang matigas talaga si Akira. Tanggap ko naman na hindi pa handa si Akira na patawarin ako.

Nag restaurant muna kami para kumain, katabi ni Jehlee si Akira habang ako katabi ko si Yuhan.

Nag order na kami, isang kanin lang at ulam ang inorder ko. Nang ma serve ang order namin, nag simula na kaming kumain.

Tahimik lang kaming apat. Nakakapanibago kasi hindi sila ganito noong umalis ako. Nakakamiss yung dating sila, yung dating kami.

"Kumusta ka?" tanong ni Yuhan dahilan para iangat ko yung ulo ko at tumingin sa kanya. " I'm fine" sagot ko tapos ngumiti.

"San ka nga pala nanatili in 3 years?" tanong ni Jehlee. Tumingin ako sa kanya at binitawan ang kutsara.

"Sa Zamboanga, sa bahay ng Lola ko" sagot ko.

"Bakit ka naman nanatili dun?" tanong ni Jehlee dahilan para matigilan ako. Sasabihin ko ba sa kanila ang totoo? pero hindi pako handa.

"I'm not ready para sabihin sa inyo ang rason guys....sorry.." tanging saad ko tapos niyuko ang ulo ko.

"It's okay we won't force you" saad ni Yuhan at kumain na.

Boung araw tahimik lang si Akira habang si Yuhan nakakausap kona siya pero hindi kagaya noon. Nawala na ang maingay na Yuhan.

I tried to talk with Akira pero hindi niya lang ako pinapansin kaya tumahimik nalang ako.

Pag kauwi ko ng bahay, hindi nako kumain. Naligo nalang ako at natulog na.

Kinabukasan, kailangan kong umalis para mamili ng school supplies ko. Maaga akong nagising dahil panidguradong marami ang tao sa mall ngayon.

Nakasout lang ako ng croptop na sleeveless at color white na pants tapos tinali ko nalang ang buhok ko.

Nasa labas na ako, nag aabang ng jeep. Nakatayo lang ako dito sa waiting shed. Nag sout ako ng earphone at nag patugtug.

May tumabing lalaki sakin pero hindi ko nalang siya binalingan ng tingin.  May humintong taxi kaya sumakay nako.

Pagkarating ko ng mall kaagad akong dumeretcho sa National books store. Hindi pa gaano karami ang tao kaya okay lang.

Bumili lang ako ng isang Binder at isang pack ng high lighter at pencil case. Pagkatapos namili nalang ako ng ballpen. Kumuha ako ng tatlong piraso, color black na ballpen at red.

Pagkatapos nag ikot ikot muna ako sa mga books.

Tumingin tingin ako, baka kasi may magustuhan ako. Nakita ko ang isa sa mga paborito kong book. Ang 'Salamisim' isa ito sa mga favorite books ko.

Kumuha ako at dumeretcho na sa counter para mag bayad. Nang matapos akong mag bayad nag lakad na ako palabas ng National book store.

Habang nag lalakad ako, may nabangga akong isang lalaki at nalaglag pa yung cellphone niya kaya kinabahan ako. Kaagad kong pinulot ang cellphone niya humingi ng tawad.

"I'm so sorry hindi kita napansin" nakayukong saad ko. Shocks! bakit ba kasi hindi ako nakatingin sa daan.

"No it's okay Margareth" saad ng lalaki. Nagtaka ako, bakit alam niya ang pangalan ko?

Inangat ko yung ulo ko at bumungad ang mukha ni William. Tangina!

Napaayos ako ng tayo at nilabanan ang galit. Bakit ba kasi nag kita pa kami dito?!

"I'm sorry again...alis nako" tanging saad ko at mag lalakad na sana pero napatigil ako nang mag salita siya.

"Can we talk?" saad niya dahilan para lumingon ako sa kanya. Tinitigan ko lang siya.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now