Chapter 13

23 2 0
                                    

TW: Suicide

Ano pangabang inaasahan ko sa kanila.

Pinatay ko nalang ang cellphone ko at mas nag focus sa pagkain. See? nag celebrate sila kaagad without asking me kung honor din ba ako, so nice.

Tumayo ako at nilagay ko ulit ref yung cake saka tumabi kay Jehlee para matulog na.

Kinabukasan pagka gising ko nakaupo na sa mesa ang tatlo kong kaibigan nag kakape, tinignan ko sa phone ko kung anon oras na. 6am, himala ang aga kung nagising ngayon.

Tumayo nako saka sumabay sa kanila, nagtimpla ako ng milo at kumuha narin ng pandesal saka umopo sa tabi ni Yuhan.

"Kumusta naman yung gala mo kagabi" panimula ni Jehlee.

"Okay lang nag enjoy ako" sagot ko sa kanya.

"Walang magagandang happenings?" tanung ni Akira. Napisip naman ako, dapat kobang sabihin na nag confess sakin si Joseph kagabi? they're my friend siguro naman hindi nila ipagkakalat yun.

Ah! wag na nga lang.

"Wala" sagot ko sabay tusno  ng pan ko sa milo at kinain. Tumango naman sila at humarap kay Jehlee.

"Kumusta naman kayo ni Austin?" tanung ni Yuhan, napatingin ako sa kanila habang kumakain.

"As usual, sa chat lang sweet pero sabi niya sa monday try niya raw akong tawagin para may interaction naman kami" sagot ni Jehlee. Nakita ko ang pamumula sa pingsi niya sabay sapak kay Yuhan.

Pagkatapos namin kumain at mag linis sa bahay nila Akira, naki ligo muna kami saka umuwi na. Pagkarating ko sa bahay nakita ko si Sammy kasama ang mga kaibigan niya.

Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na sa kwarto ko. Pagka pasok ko ng kwarto kaagad akong humiga sa kama ko at nag cecellphone.

Matapos ang ilang sandali may nag chat sakin at ganun nalang ang gulat ko nang makita ang pangalan ni William.

William: hi!😀

Mag rereplay bako? eh nakakahiya pero i don't want to lose the chance kaya go.

:Hello Will!

William: Good morning, are you busy?

:Good morning, hindi naman bakit?

William: ah ano kasi...pwedi ba tayong magkita mamayang 3pm?

:Sure

William: Thankyou! see you later bye!

Ahhhhh! niyaya niya ako mag date! ahh! ay wait date ba ang tawag dun?ah bahala na pinanganak naman akong delulu eh.

Pinatay ko yung phone ko at napatalon dahil sa kilig, shet! magkikita kami ni William girl.

Pagsapit nang 2pm na ligo na ako kaagad at nag ayos, naglagay ako ng simpleng makeup at inayos yung buhok ko, nag sout din ako ng white top at black skirt syemre simple lang.

At nang sumapit na ang alas tres kaagad akong lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko bumungad kaagad si Mama sakin.

"San ka nanaman pupunta bata ka?" saad niya.

"Ah may kikitain lang po ako Ma" magalang na sagot ko. Tumaas ang kilay niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Siguraduhin mung hindi ka uuwi ng buntis ah kundi itatakwil kita" saad niya sabay turo sakin, tumanggo lang ako at lumabas na ng bahay.

Pagkarating ko sa plaza hinintay ko muna saglit si William, matapos ang ilang minuto nakarating na siya at papapunta na sa pwesto ko. He was wearing a black upper and white pants and white shoes.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now