Chapter 8

23 3 0
                                    


TW:Selfharm

"Walang dance" saad ni Akira sabay talon, tuwang tuwa siya na walang specialization ngayon.

"Bakit?" tanung ko dahilan para tumaas ang isa niyang kilay.

"Anong bakit? parang gusto mo may dance ah" saad niya dahilan para mapatawa ako.

"Okay fine! thanks lord!" saad ko then i rolled my eyes and smiled.

"Makakapagsulat ako ngayon ah! Im so happy ting" wika niya, oo nga pala, she's a writer marami na siyang na i publish na story. Kaya kapag script writing sa kanya kami tumatakbo kaagad.

"Ako naman makakapagbasa" saad ko, yeah we're besties talaga kasi ako reader siya writer.

"Uwi na tayo" aya ni Jehlee, aga aga palang 2:44pm palang.

"Tangek! 2:44 pm palang sa tingin mo palalabasin tayo ng guard? arte panaman nun" saad ni Yuhan, Jehlee rolled her eyes tska umopo sa tabi ko.

Kinuha niya yung phone ko, wow ha? phone mo teh?

Halos dalawang oras kaming naghihintay para lang mag 5pm, ang arte kasi ng guard dito hindi ka palalabasin hanggang wala pang 5pm kahit na may letter kana galing sa adviser mo. Sarap sapakin!

"Tara na uwi na tayo gusto ko nang matulog!" si Jehlee, tumayo na kami at kinuha yung mga bag namin. Sabay kaming lumabas ng classroom, nag paalam muna kami sa mga kklase namin bago umalis.

Habang nag lalakad kami palabas ng gate nakita namin yung crush ni Jehlee dahilan para echosin namin siya. Para namang hotdog si Jehlee dahil sa kilig.

"Jehlee mantika nalang kulang" tawa ni Akira, sinapak siya ni Jehlee sa braso pero tumatawa parin ito dahilan para mahawa kami.

"Fo na tayo" saad ni Jehlee saka padabog na naglakad iniwan niya kaming tatlo, na badtrip ata dahil sa joke ni Akira.

"Huy joke lang!" saad ni Akira saka nag lakad nang mabilis pero umiwas si Jehlee dahilan para mas natawa kami.

"Sige bahala ka dyan wag kang lalapit samin kapag nandyan na sila Austin ah" wika ni Yuhan, hindi na namin namalayan na nakarating na pala kami sa bahay nila Akira. Nag paalam kami kay Akira tska nag lakad ulit.

Pasimple kaming tumitingin kay Jehlee at pasimple ring tumatawa.

"Ian!" sigaw ng lalaki kaya napatingin kami dun ni Yuhan, nakita ko yung past crush ko na si Ian, parang eneechos siya ng mga kaklase niya sakin dahilan para mandiri ako.

Malapit lang sila samin pati si Austin,nag patuloy lang kaming naglalakad ni Yuhan. Mayamaya lang biglang tumawid si Jehlee at sumabay samin.

Nagkatitigan kami ni Yuhan at sabay ring natawa. Sabi na eh hindi niya kakayanin mag lakad nang mag isa kapag nandyan sila Austin eh.

"Bakit ka nandito kala ba namin galit ka?" tanung ko.

"Ngayon lang ako hindi galit, bukas galit na ako" sagot niya dahilan para magkatitigan kami ni Yuhan at sabay natawa.

Pagkauwi ko nang bahay dumeritso ako sa sala at kumain pagkatapos naligo ako tska nag bihis, ang simple lang ng sout ko today, isang pajama na cotton tas isang spaghetti yun lang. Sinuklay ko muna yung buhok ko bago humiga at nag basa.

Hindi nako sumabay nang hapunan kina mama dahil masakit parin sakin yung ginawa nila, siguro mamaya nako kakain pag tulog na sila.

Halos limang oras ako nag basa, malapit kona matapos yung "Loving the Clouds", napag desisyonan kung tumayo muna para kumain. It's already 10 pm alam kung hindi pa tulog sila mama pero lumabas parin ako para kumain.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now