Prologue

80 4 1
                                    

"ano sinabi mo kay lianne???" tanong ni riri sakin nandito kami sa barbershop namin tumatambay.

"yun sabi ko okay lang basta hindi na niya uulit" sagot ko naman pero nasa selpon ko yung mga mata ko.

Hinihintay ko kasi na mag chat sakin ni william.

"ayses, hindi totoo yan alam mo namang plastick yun" saad niya sabay hampas sakin.

"people change naman" sagot kopa sabay harap sakanya.

"people change, hindi uso sa kanya yan" sabay kain ng chicherya ko. Ewan kung bakit napaka laki nang galit niya kay lianne.

"sa tingin mo hihingi ng tawad yung mukong nayun?? himala nalang talaga" sabay inum ng coke.

Tinignan ko lang siya dahilan para mabilaokan siya, ubo siya nang ubo pero tinawanan ko lang siya.

"bastos 'to tinawanan lang ako sapakin kita dyan eh" galit  na saad niya.

Binalik ko nalang yung attention ko sa selpon ko, hanggang ngayon hindi parin nag rereplay sakin si william.

Siguro hindi pa ito nakauwi, pero nakita ko naman siya kaninang uwian nila ah, palagi nalang siyang ganito.

Daldal parin nang daldal sakin si riri pero hindi ako nakikinig sa kanya dahil sa ingay niya.

Kanina pa ako nag aabang sa reply ni william, lord sana may maligaw na like zone galing sa kanya.

"Margareth!!!" sigaw sakin ni riri dahilan para mabitawan ko yung phone ko.

"riri naman eh! yan tuloy" galit na saad ko saka pinunasan yung screen ng phone ko.

"sorry hindi ko sinasadya" sabay hawak niya  sa mga kamay ko.

"bakit ano ba kasi yun???" tanong ko sa kanya.

"punta tayo sa coastal road init dito eh" aya niya sakin.

oo nga 'no?? bakit hindi ko na isip yun? pero kung aalis ako dito sa shop walang wifi. Pano kung mag chat sakin  si william edi hindi ako makakapag reply kasi wala akong sim, ayaw!

Pero kung hindi ako pupunta maiinitan naman ako.

Argggh!! pupunta nalang ako, bahala na si william love ko naman siya eh.

"tara" sagot ko dahilan para matuwa si riri.

Habang nag lalakad kami pamuntang coastal road nakita ko yung ex fling ni william, ngumiti ito sakin kaya ngumiti nalang din ako.

wow ha?! after mo saktan yung baby ko!!!

Umakyat kami sa hagdan, agad bumangad samin ang napakalakas na hangin.

ahh sarap!

"tara tumawid tayo" sabi ni riri, hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming tumawid.

"kapagod" tawa namin ni riri. "tara baba tayo" saad ko saka nag lakad papunta sa hagdanan ng dagat.

Habang nag lalakad may napansin akong isang lalaking nakatalikod at may kasamang babae at familiar yung babae sakin.

Tumayo na sila pero nakatalikod parin ang lalaki, kinuha ang bag ng babae at dinala ito. Malapit na kami sa kanila at nag simula narin silang mag lakad.

Hindi ko makita nang maayos ang mukha ng lalaki dahil sa layo, pero nung malapitan bigla nalamang nanghina ang tuhod ko nang makilala kung sino yung lalaki.

Bigla nalang tumigil ang takbo ng mundo at bumagal ang takbo ng oras nang makita silang dalawa, tumingin saki ang lalaki na parang bang nagulat din siya nang makita ako.

At nung nakalagpas na sila samin dun lang ulit ako tumingin sa kanila, hindi ako makapaniwal sa nakita ko.

Ang sinisinta ko at ang naglalaman ng puso ko, walang iba kundi si

William.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now