Chapter 14

26 2 0
                                    

Sabi nila sa pamilya una mararanasan ang tunay na pag mamahal, isang pagmamahal na kailanman hindi mapapantayan.

Pero bakit pag dating sakin hindi ko naramdaman? kasi imbes na mahalin nila ako, dinudurog nila ako.

Dapat nga nagpapakasaya ako sa edad kong 'to pero pano? paano ako magpapakasaya kung sarili kong pamilya unti unti akong pinapatay.

Minsan napapa isip ako, pano kong hindi ako nakatira dito? pano kung nasa paraiso ako nakatira?

Sabi nila ang Paraiso daw ang pinakamagandang lugar kung saan wala nang mananakit sayo.

Hindi kana iiyak o malulungkot, kaya gustong kong pumunta sa paraiso. Simula nang sinabi ng Lola ko sakin ang tungkol sa paraiso hindi nayun mawala sa isip ko, isa talaga sa mga pangarap ko ang makapunta sa paraiso.

Nagising ako sa ingay ng mga sasakyan.

Buhay pako? tangina!

Dahan dahan akong tumayo at napagtanto ko na nasa Hospital ako. Bakit ako nandito?

Pinagmamasdan ko ang paligid, saang Hospital 'to? narinig kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako dun.

At sa hindi inaasahan, nakita ko ang mga mukhang ayaw ko nang makita pa.

Ang Pamilya ko.

"Gising kana pala" saad ni Sammy sabay lapag ng prutas sa katabi kong mesa.

Nakita kung tumatakbo si Mella papunta sakin.

"Ate! are you okay?" tanung niya nang makarating sa harap ko, niyakap pa niya ako sa tyan ko.

Naninibago ako sa kanila, why are they doing this?

"B-bakit buhay pako?" tanung ko sa kanila. Hindi sila makatingin sakin ngayon.

"Sagutin niyo ako" gamit ang seryusong boses.

"Hindi ba dapat patay nako? nag bigti ako sa sarili kong kwarto eh" saad ko, dahan dahan lumapit si Papa sakin at umupo sa kama ko.

" I saved you..." saad ni Papa sabay tingin sakin.

"Nang makita kita sa kwarto mo, kaagad kitang kinuha at hinubad sa ulo mo ang lubid saka kita dinala sa Hospital kasi nawalan ka nang malay" paliwanag niya.

Tinginan ko lang siya napara bang hindi kumbinse sa mga kinu kwento niya.

"Anak kung may pinagdadaanan ka wag kang mahiyang mag kwento samin, kasi palagi naman kaming nandito eh hindi ka namin iiwan" wika niya, dahilan para matawa ako. May gana patalaga siyang sabihin yan, eh kasalanan rin naman nila kay may pinagdadaanan ako?

"Hindi na sanay nako" saad ko sabay iwas ng tingin at humiga na. Wala akong gana sa lahat ang gusto ko lang mag pahinga dahil ubos na ubos nako.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto. See? aalis na sila na parang walang nangyare.

Bakit ba ang tigas nila pagdating sakin, bakit parang ang dali dali lang sakinila na iwan ako.

Kung alam lang nila kung gaano ko sila kamahal, Isang sorry lang mapapatawad kona sila, isang sorry lang at mahal kita anak babalik na kaagad ang loob ko sa kanila.

Natulog nalang ako na mabigat ang nararamdaman. Everything feels heavy, hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas. I was with everyone yet I'm still alone.

I'm tired,Fuck life!

Boung weekend nasa Hospital ako, hindi kona pinaalam sa mga kaibigan ko kasi ayaw kop nang mag alala sila. Dumadalaw si Joseph sakin.

Pumasok ako sa School na hindi okay, pero hindi ko pinahalata yun sa tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko. Kapag kasama ko sila babalik yung dating ako, yung masayahing ako.

Chasing the Butterfly(High School Series #1)Where stories live. Discover now